Skip to playerSkip to main content
Buhay na naman ang Cha-cha. Isinusulong sa Kamara ang pag-amyenda sa konstitusyon para linawin anila ang salitang “forthwith” kaugnay sa pagsasagawa ng impeachment trial.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Buhay na naman ang tsa-tsa!
00:02Isinusulong sa Kamara ang pag-amienda sa Konstitusyon
00:05para linawinan nila ang salitang 4th width,
00:09kaugnay sa pagsasagawa ng impeachment trial.
00:12Nakatutok si Tina Panginiban Perez.
00:16Nalilito ba kayo sa kahulugan ng salitang 4th width
00:19na nakalagay sa saligang batas,
00:21kaugnay sa agad-agad na pagsasagawa ng impeachment trial ng Senado
00:25para mas maging malinaw ang kahulugan nito
00:28at iba pang nakakalito umanong probisyon sa Konstitusyon,
00:32isinusulong ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno
00:35ang pag-amienda sa Konstitusyon
00:37sa pamamagitan ng Constitutional Convention.
00:40Nabanggit lang natin ng 4th width kasi naan dyan lahat ng kontrobersya ngayon.
00:45Ano ba talaga ibig sabihin ng 4th width?
00:47E nasa diksyonaryo, teka, maliyata ang diksyonaryo.
00:51Ngayon, mag-a-adjust pa yung diksyonaryo ngayon.
00:54Constitutional Convention o CONCON ang napipisil ni Puno
00:58at partido niyang National Unity Party
01:00para sa Charter Change imbes na Constituent Assembly o CONAS.
01:05Sa CONCON, may mga delegadong ihahalal o itatalaga
01:08para baguhin ang saligang batas.
01:11Habang sa CONAS, mga senador at kongresista ang gagawa nito.
01:15Para hindi maantala yung pagbabago na kailangan natin sa saligang batas
01:21at hindi naman matabi yung mga trabaho natin dito sa legislatura,
01:26naisip namin mag-constitutional convention na tayo.
01:30At diyan siguro ay maaari tayong kumuha ng mga bagong mga mamumuno
01:37yung mga taong talagang sagad sa pag-aral sa ating mga batas at saligang batas.
01:42At diyan ay gagawin namin eh, forthwith.
01:46Para mas malinaw ang kahulugan ng forthwith,
01:49panukala ni Puno, ilagay sa konstitusyon kung ilang araw
01:52ang dapat itakbo ng kada proseso sa impeachment
01:55gaya ng takbo ng mga kaso sa korte.
01:59Tuwing pinag-uusapan sa Kongreso ang pag-amienda sa konstitusyon,
02:03laging nabubuhay ang mga pangamba at suspecha ng iba't ibang sektor.
02:07Kahit si Deputy Speaker Puno,
02:09Aminadong baka mahirapang ilusot ang kanyang panukala.
02:13To be honest with you,
02:15the initial reaction is always hindi papayag yung Senado dyan.
02:19Na maaaring lagyan ng safeguard
02:20para hindi mag-nerbius yung mga senador na maaboli sila
02:24or mag-nerbius yung gusto mag-presidente
02:27na mag-perpetuate in office yung mga ibang nandyan na sa pwesto.
02:33Ang ilang kongresista, bukas sa panukala.
02:35I'm not closing the idea of amendments,
02:41lalo na yung mga binanggit na mga ambiguous provisions ni Congressman Puno.
02:47So we need to study that very well.
02:51And tama rin yung sinabi niya na kung talaga magkakaroon ng amendatory process,
02:56it should be a CONCON, Constitutional Convention.
03:00Ang Malacanang naman?
03:01Actually po, sa mga ganyan ay malalaman din naman po natin
03:05kung ano po ang isinaad noon ng mga framers of the Constitution,
03:09noong 1987 Constitution.
03:12May mga pagkakataon lamang po siguro,
03:14kahit maliwanag ang ibang mga definition or mga terms,
03:19ay minsan napapalabo para merong mapaboran.
03:22At sa ngayon po ay hindi pa po masasabi ng palasyo at ng Pangulo
03:29kung anong maging reaksyon dahil hindi pa naman po nakikita
03:33ang detalye na gagawin patungkol po dito.
03:36So kung ito naman po ay ikagaganda at ikaliliwanag
03:40para hindi na mabutasan ang anumang mga provision dito sa Constitution,
03:44hindi naman po itututulan ng Pangulo.
03:46Maliban kay Puno,
03:48nag-hahin din si House Committee on Human Rights
03:51at Manila 6th District Representative Bienvenido Abante
03:54ng panukala para sa Constitutional Convention
03:58habang resolution of both houses
04:00ang napiling paraan ni Ako Bicol Representative Alfredo Garbin Jr.
04:05para amyandahan ng ilang spesipikong probisyon ng Constitution.
04:09Para sa GMA Integrated News,
04:12Tina Panganiban Perez, Nakatutok 24 Horas.
04:16Outro
Be the first to comment
Add your comment

Recommended