00:00Ngayong 2025 sa Season 2 ng Action Laban sa Kahirapan ng National Anti-Poverty Commission o NAPSI,
00:06makakasama po natin tuwing Martes at Webes sa Rise and Shine, Pilipinas,
00:10ang iba't ibang kinatawa ng mga ahensya at lokal na pamahalaan upang pag-usapan po mga interventions ng gobyerno sa pagpuksa sa kahirapan.
00:17At sa ating pagbagong season, tututukan po natin ang convergence o yung pagsasama-sama ng mga programa at stakeholders
00:31sa patuloy na pagpapaunlad po ng mga komunidad at ng ating pamayanan.
00:36Makakakwentuhan po natin ngayong araw, dito sa ating programa, si Council Member Aliana Lagasca,
00:41mula po sa NAPSI Youth and Student Sectoral Council o YSSC upang talakay ng mga agenda na isinusulong ng YSSC hinggil sa mental health.
00:50Magandang umaga at welcome dito sa ating programa, Aliana.
00:52Isa mapagpalayang araw po sa ating lahat, Ms. Diane, sa ating mga tagapakinig at sa ating mga tagapanood.
00:59Ang araw na ito ay ang uling araw ng Setiembre at ang Setiembre ay observation natin ng Suicide Prevention Month.
01:07At bukas, October, ang simula ng Mental Health Month.
01:10At kaya naman, talagang napapanahon ang pag-uusap natin ngayon patungkol sa kalusugan pang kaisipan.
01:16Napapanahon, napakahalaga.
01:18Isang major concern ito ng ating mga kabataan.
01:20So talking about that, bakit mahalaga na itong mga selebrasyon na ito,
01:24na iyong nabanggit at pagunita, para mapalaganap natin yung kaalaman sa publiko tungkol sa mental health?
01:30Actually po, kung tayo ay titignan natin ang kalusugan pang kaisipan,
01:35dapat talaga, hindi lamang during September and October ito pinag-uusapan.
01:40Dahil ang kalusugan pang kaisipan ay isang positibong aspeto ng ating buhay.
01:44Kaya naman, ngayon, na September and October,
01:48meron tayong mga selebrasyon na pwede natin na gawin.
01:54Sana mas bigyan pa natin ng pansin ng ating kalusugan pang kaisipan,
01:59mas maging aware tayo kung ano nga ba ito,
02:01at magkaroon tayo ng mga iba't ibang programa patungkol dito.
02:04Okay. Ano ba yung mga isinusulong ng inyong konseho
02:09para mas mapalawak pa yung awareness tungkol dito
02:13at mas mapalawak pa yung servisyon na may kaunayan sa mental health?
02:16So sa amin po sa Youth and Students Council,
02:20malaking bagay po sa amin na malaman ng mga estudyante at ng ating mga kabataan
02:25kung ano nga ba ang patungkol sa kalusugan pang kaisipan.
02:28Na nariyan na rin yung mga iba't ibang panukala o batas na meron tayo
02:33para alam din ng mga bata at kabataan at mga estudyante
02:37kung ano ang kanilang mga karapatang pantao.
02:40Nandyan na po yung Mental Health Act o yung RA11036
02:43na nagbibigay sa atin ang mas maraming impormasyon
02:47patungkol sa kalusugan pang kaisipan,
02:49nakaangkla na rin yung mga servisyon na kinakailangan natin
02:52para mapangalagaan natin ang ating wellness.
02:55Nandyan din po yung RA12080 o yung Promotion of Mental Health and Wellbeing
03:01in Basic Education na naglalayong magbigay sa mga estudyante
03:05ng pagkakataon na magkaroon ng mas maraming servisyon
03:10sa loob mismo ng paralan para sa kanilang kalusugan pang kaisipan.
03:14Nandyan din yung mga issue ng bullying na gusto din natin sana na masog po
03:20sa loob ng mga paralan.
03:21Well, paano naman natin iuugnay, Alyana, yung issue ng kahirapan dito sa mental health?
03:28Pag pinag-usapan po kasi natin ang kahirapan,
03:30hindi lamang ito yung patungkol sa economical na aspeto
03:36na kung wala tayong pera, etc.
03:38Pero kasama na din po dito yung usapin patungkol sa access
03:42sa mga basic services.
03:44At syempre, yung opportunity to actually learn, opportunity to have decent work, etc.
03:51Kaya naman, itong mga aspeto na ito, iba't ibang aspeto sa ating buhay
03:55katulad ng pag-aaral, pagtatrabaho,
03:58ay talagang nakaka-influensya din po sa ating kalusugan pang kaisipan.
04:02At syempre, nandyan na rin yung mga iba't ibang mga pagsubok na napagdadaanan sa pang-araw-araw
04:07kasi dapat hindi natin makakalimutan na yung ating coping
04:11o yung ating kaparaanan kung paano natin pinagtatagumpayan
04:16yung mga pang-araw-araw na problema
04:18ay parte din ng ating kalusugan pang kaisipan.
04:21Kaya kung syempre, kung hirap na hirap tayo dahil sa kahirapan,
04:25malaking bagay at makaka-apekto talaga ito negatively sa ating mental health.
04:30Okay, so clearly, sinusulong ninyo na mas maging accessible pa itong mga
04:35servisyong medikal na may kaugnayan sa mental health.
04:38Pero paano ba natin ito maiiwasan na dumating pa sa punto
04:41na magkaroon ng mental health concerns or issues ng ating mga kabataan?
04:46Salamat po sa pag-raise ng tanong na yan.
04:49Kasi isa din yan sa mga talagang pinaglalaban,
04:52hindi lamang ng konseho ng NAPSI Youth and Student Sector Council,
04:56pero pati na rin ng maraming youth organizations sa ating bansa.
05:01So nauna na dyan, syempre, yung ating edukasyon patungkol sa mental health.
05:05Na hindi lamang yung mga kabataan ang matuto patungkol dito,
05:09pero pati na rin yung mga ibang tao.
05:11Dahil malaki po sa aspeto ng kalusugang pangkaisipan
05:14ang influensya ng ating mga relationships.
05:17So important na sa loob ng ating mga pamilya,
05:22nagkakaroon ng mas magandang relasyon ang mga magulang,
05:26ang mga anak, para magkaroon sila ng better support system.
05:31Kasi maraming challenges ngayon, maraming nangyayari sa lipunan natin at this time.
05:35At napakahirap din naman talaga na pagtagumpayan lahat ng mga negative feelings na nararamdaman
05:41kung wala tayong supporta mula sa mga taong pinagkakatiwalaan natin,
05:45mula sa ating mga family members and even our friends.
05:48Pangalawa po, it's still an issue po ng specialized services.
05:55Because we have very few psychometrations, very few psychologists and psychiatrists in the country,
06:02and very few facilities that can actually support yung ating specialized care na tinatawag.
06:09Itong nakaraan lang actually, nung nakaraang linggo,
06:14congratulations sa mga bagong psychologists sa ating bansa.
06:17Pero kung titignan pa rin natin sila, less than 3,000 pa rin yung number.
06:22Kulang pa rin po.
06:23Kaya nga ang talagang gusto namin na mangyari, ang pinaglalaban namin,
06:27ay yung preventive measures galing sa informal community care.
06:31So alagaan po natin yung isa't isa.
06:34Dahil malaking aspeto po talaga sa parte ng coping ng isang tao ay yung kanyang mga relationship.
06:40So be kinder to one another, definitely.
06:43And hopefully, isa din itong panawagan o wake-up call para sa lahat.
06:49Na tingnan din natin yung ating very own self.
06:53Ano ba yung pagtanaw natin sa sarili natin?
06:55Kilala ba natin yung ating mga sarili?
06:58Alam ba natin yung ating mga kalakasan?
07:00Paano ba natin ginagamit yung mga kalakasan natin para mapagtagumpayan yung mga pang-araw-araw na problema?
07:06And all other components that there is.
07:10Dahil malaking bagay po sa ating kalusugan pang kaisipan yung ating self.
07:17So it's really taking care of oneself so we can also take care of others.
07:22Okay.
07:22Now in terms of convergence, Aliana, ano-ano yung mga ahensyon ng gobyerno,
07:26at sektor ng ating lipunan na maaring magtulong-tulong para maisulong itong mga agenda ninyo?
07:30Malaki po talaga ang bahagi, for example, for youth and students ng National Youth Commission.
07:37And actually, we are very fortunate dahil si National Youth Commission ay meron pong tinatawag na mental health hub.
07:44So meron din silang maibibigay sa atin na tulong when it comes to mental health advocacy.
07:50Nadyan din syempre yung DOH.
07:53Dahil ang usapin na mental health ay isang public health issue.
07:58So kinakailangan talaga natin ang tulong ng DOH, hindi lang on technical matters,
08:03but also in specific specialized care.
08:07And of course, nadyan din po yung tinatawag natin na Philippine Council for Mental Health.
08:12Ang nakakatuwa po dito ay yung aking organisasyon ay parte po ng technical working groups
08:17ng Philippine Council for Mental Health.
08:19Kaya naman meron kaming opportunity to raise the concerns of young people
08:23during the council technical working group meetings.
08:28And definitely, ang masaya po dito ay pinakikinggan kami ng mga kasama natin,
08:33ng mga ahensya at iba't ibang organisasyon doon.
08:37Kaya naman yung ating mga concerns ay naisasama sa paggawa ng mga programa,
08:42paggawa ng mga framework and even national guidelines.
08:45Okay. Well, you're part of Youth for Mental Health Coalition.
08:48May mga activities kayo regarding the Mental Health Week?
08:51Yes. So, bali actually po, sa Friday, no, ay magtutungo ang Youth for Mental Health Coalition
08:58at ang opisina ni Senator Wynne Gatchalian sa PUP Manila
09:02para doon sa aming ginagawang rollout or education series, no,
09:08patungkol sa RA 12080.
09:11So, nandyan kami sa Friday for Tara Usap G,
09:14kung saan tayo ay mag-uusap lamang ng ating mga concerns patungkol sa mental health.
09:18And hopefully, no, also influence the administration,
09:22the school administration to actually work on your mental health systems in the school.
09:28And meron pa pong ibang installment this October
09:32and even November and December this year.
09:36So, maliban po doon, meron din kami mga iba't-ibang webinars, seminars,
09:41and hopefully, roll out a training program,
09:43not just for the youth sector,
09:45but those also who would want to actually know more about their mental health.
09:50Mahalaga talaga ang papel ng eskwelahan, no?
09:52At sabi mo nga, ganun din ang ating pamilya
09:54at yung mga relationships that we build.
09:57Now, lumalabas itong tanong na ito
09:59kasi yung ibang mga from past generations,
10:02if we compare yung issue ng mental health sa mga iba't-ibang henerasyon,
10:06talagang ito ay mas lumalabas sa generation na ito.
10:10Ano ba ang inyong nakikita sa pag-aaral ninyo?
10:12Actually po, dahil siguro ito na malaking bagay na isabatas, no,
10:18yung RA11036 ng 2018.
10:21So, most likely,
10:23dahil ang henerasyon na ito ay mas aware na about sa mental health nila
10:27at meron na rin mga patakaran,
10:30meron ng mga proseso, sistema, no,
10:32na pwedeng puntahan
10:34at pwede rin na hinga ng tulong.
10:37Kaya mas marami na ngayon ang mga kabataan
10:39na merong pagtanaw
10:41at pagbibigay ng pagpapahalaga sa kanilang kalusugan pang kaisipan.
10:46Well, maraming mga aktibidad ang nakalatag, no,
10:50para sa Mental Health Week.
10:51Ito sa Oktubre ito.
10:53At sa ating mga manonood,
10:54tayo po ay makiisa rito
10:55dahil ito po ay isang mahalagang isyo,
10:57lalo't partikular sa ating pong sektor ng mga kabataan.
11:00Thank you very much, Aliana,
11:01sa pagsama sa amin dito sa ating programa.
11:04Si Aliana Lagasca,
11:05council member po
11:06ng ANAPSI Youth and Student Sectoral Council.
11:09At malugod po kami,
11:10nagpapasalamat sa inyong suporta.
11:12Hinikayat po namin kayong muling tumutok sa ating programa
11:14sa darating po yan na Webes.
11:16At samahan ninyo kami,
11:18ito Aliana,
11:18sabay-sabay tayong
11:19Umaksyon!
11:21Laban sa kahirapan!