Skip to playerSkip to main content
Sabay sa sumiklab na sunog sa Tondo, Maynila, ang sumiklab ding gulo dahil sa agawan sa mga kable ng kuryente. Pinag-aaresto sila lalo’t panananso rin ang nakikitang mitsa ng sunog doon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sabay sa sumiklab na sunog sa tondo sa Maynila,
00:03ang sumiklab ding gulo dahil sa agawan sa mga kable ng kuryente.
00:08Pinaga-aresto sila lalot pananansurin ang nakikitang mitsya ng sunog doon.
00:14Nakatutok si Joseph Moro.
00:18Sa mga video ang kalat na online,
00:21kitang nagkagulo sa barangay 105 sa tondo Maynila nitong Merkulis.
00:25Ang mga residente nag-aagawan sa mga kable
00:28matapos magkasunog.
00:31Kanya-kanyang hila
00:33at bit-bit ng mga kable.
00:38May ilan ngang nakakabit pa sa mga poste pero pirit hinihila.
00:46Maya-maya pa, biglang nagpulasan ang mga residente.
00:52Nagkandara pa na ang ilan sa pagtakas
00:54ang ilan na puluputan na ng mga kable.
00:58Yung pala, may mga polis na.
01:02Sa ibang lugar, kanya-kanyang putol na mga kable
01:05ang ilang mga residente.
01:07Hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan.
01:10Dismayado, si Manila Mayor Isco Moreno sa nangyaring nakawan
01:13sa sunog na apektado,
01:15ang lampas isang libo mga pamilya.
01:17Sa paunang investigasyon ng pulisya,
01:19may nananansu o nagnanakaw ng kable kaya nagkasunog.
01:23Naging piyesta ng pagnanakaw.
01:25Parang nakakalungkot isipin na biktima na nga yung mga tao.
01:31Biktima pa ng pagnanakaw ng itong mga talonggas na ito.
01:35Kagabi, dalawang sospek sa pagnanakaw ang nahuli ng Manila Police District
01:39at iniharap kay Moreno.
01:40Ang isa sa kanila nasunugan din.
01:43Kaninang umaga naman, may apat pang nahuli.
01:46Sila yung nakunan ang mga nakangiti pa habang bit-bit ang mga kable ng kuryente.
01:51Pero katulad ng dalawang nahuli kagabi,
01:53sila ay ngayon nahaharap sa reklamong paglabag
01:56sa Anti-Electric Pilfridge Law o Republic Act 7832
02:00na may parusang reklusyon temporal o mula labindalawa
02:04hanggang dalawampung taong kulong
02:06umultang 50,000 hanggang 100,000 piso o pareho.
02:11Babala ni Manila Mayor Esco Moreno,
02:13hahabulin pa nila yung iba na mga nagnakaw ng kable ng kuryente.
02:18Until maubos ko lahat yung mob
02:22na kumakalawit ang mga kable ng kuryente.
02:26So from last night to now four, so more to go.
02:31I hope that Meralco for that matter will pursue this case.
02:35So that will teach the lesson to everyone
02:38na yung ganitong chaotic situation.
02:41Sinisikap pa namin makunan sila ng pahayag.
02:44Ayon naman sa Meralco,
02:45nakapagsampana sila ng reklamo sa dalawang naon ng sospek.
02:49Nabawi na rin daw nila ang ilang mga ninakaw na kable at metro ng kuryente.
02:53Nagbabala din sila na ang mga kable ng kuryente
02:56ay mahalaga para sa maayos na servisyo ng kuryente sa mga customer
02:59at ang pagnanakaw nito ay labag sa batas.
03:02Para sa GMA Integrated News,
03:05Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended