Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:02Mahimbing na natutulog ang pamilyang ito sa kanilang bahay sa Antipolis City madaling araw nitong linggo.
00:09Hindi nila namalayan na isang lalaki ang nanloob na sa kanilang kwarto.
00:14Kinuha niya ang sling bag sa gilid ng kama at isinilid ito sa kanyang shorts.
00:19Kinuha niya rin ang isa pang bag sa kalumabas ng kwarto at tumakas.
00:24Kinaumagahan na nalaman ng pamilya na nawawala ang ilan nilang gamit.
00:28Yung kapatid ko po may pasok po sana yun. So 6am.
00:32Hindi po siya nakarinig na kahit anong alarm kasi nga po nawawala na yung phone niya.
00:39Ginising din po ako nung asawa ko may pasok naman siya ng 9am.
00:43So ngayon ang sabi po nila sa akin nawawala yung cellphone nila at yung wallet.
00:47Chinat nila ang CCTV sa kanilang kwarto at nakita ang lalaking nagnakaw.
00:52Kinabahan na ako talaga mam kasi napahagis pa ako ng cellphone nun.
00:56Tapos sabi ko sa kanila, may nakapasok.
01:00Sabi ko may tao sa bahay.
01:02Natangay rin ang bag ng kapatid ni Mary Rose na may lamang cellphone, wallet at portable fan.
01:08Naiwan daw ng lalaking nagnakaw ang isang maliit na pala.
01:12Ang tatlong bag na ninakaw na recover sa kalsada malapit sa bahay ng mga biktima ayon sa pamilya.
01:18Pero wala na ang mga perang laman nito na aabot sa mahigit 10,000 piso.
01:24Ang wallet ng kapatid ni Mary Rose ibinalik naman daw ng isang nangangalakal ng basura sa kanilang lugar.
01:30Wala na rin daw ang perang pambaon sana sa eskwela.
01:33Tanging mga ID na lang ang natira.
01:35Sumatotal, nasa mahigit 20,000 piso ang halaga ng pera at gamit ang natangay.
01:40Ayon sa barangay Mayamot, residente ng barangay Mambuga ng sospek na dati naraw sangkot sa mga insidente ng akit bahay, car napping at pagnanakaw sa Antipolo City.
01:52Nakita siya sa CCTV, sumuko na lang siya para hindi na siya ma-hotless sa mga kapulisan namin.
02:01Viral na siya, kaya hinahanap na talaga siya ng kapulisan.
02:05Patuloy na hinahanap ng mga otoridad ang salarin na maharap sa reklamong theft.
02:12E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended