Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 months ago
EXCLUSIVE: Maghihigpit ang customs sa inspeksyon sa mga balikbayan box para hindi magamit sa krimen tulad sa pagpuslit ng droga. Nangangamba naman ang isang grupo sa epekto nito sa tagal ng paghihintay para sa mga padala.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maghihigpit ang custom sa inspeksyon sa mga balikbayan box para hindi magamit sa krimen tulad sa pagkuslit ng droga.
00:09Nangangamba naman ang isang grupo sa epekto nito sa tagal ng paghihintay para sa mga padala.
00:16Nakatutok si June Veneracion.
00:19Exclusive!
00:22Dahil sa nadiskubre ang mahigit 800 milyong pisong halaga ng shabu sa parcel nitong unang linggo ng Hunyo.
00:29Muling maghihigpit ang Bureau of Customs sa pag-inspeksyon sa mga balikbayan box.
00:34Uto sa mga frontline offices, imbis na buong shipping container na naglalaman ng mga balikbayan box ang idadaan sa x-ray inspection.
00:42Dapat isa-isa ng ibababa ang mga ito para masuri ng x-ray.
00:46Wala naman siguro masama na i-x-ray man lang natin isa-isa para lang hindi rin maabuso.
00:53Para sa kapakanan din naman ito ng mga kababayan nating OFWs.
00:58Sa loob ng isang linggo, hindi raw nawawalan ng huling droga o kontrabando na nakatago sa balikbayan box,
01:04sabi ng Bureau of Customs.
01:06Dahil sa problema ito, kailangan na raw talagang magkahigpitan.
01:10Pero nababahala ang mga deconsolidators ng mga balikbayan box sa utos.
01:14Kung ngayon anila ay araw lang ang bibilangin bago mailabas sa pantalan ang mga balikbayan box,
01:19pag nagkahigpitan, maaari anila ito umabot ng isang buwan.
01:24Kaya sila nakipagdayalogo sa mga opisyal ng customs.
01:27Ang kawawa din, yung mga consumers, yung mga nagpapadala ang balikbayan boxes.
01:32Kaya bago pa simulan, ay tinigil muna ang full implementation ng utos para pag-aralan.
01:36Ngayon man, ayos sa customs, kailangan pa rin baguhin ang kasalukuyang proseso ng balikbayan box inspection.
01:43Kaya umaapila ang customs ng pagunawa mula sa mga OFW.
01:47Ang kinakailangan lang talaga namin ngayon, to find a way on how to stop itong continuous influx
01:55ng mga illegal items through the balikbayan box scheme.
01:59Sang-ayon man ang grupo ng mga deconsolidators sa pagbabago para hindi magamit ang balikbayan box sa magpupuslit ng kontrabando.
02:07Kailangan na nila itong balansihin, lalot magsisimula na naman ang peak season ng pagpapadala ng mga OFW.
02:14Ang balikbayan boxes kasi vulnerable talaga.
02:17But kung mayroong sistema ang bawat consolidators abroad, siguro may iwasan yan.
02:23Para sa GMA Integrated News, June Van Alasyon Nakatutok, 24 Horas.
02:29Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn

Recommended