00:00Mike Pitang naging babala ni Pangulong Marcos Jr. sa mga sindikatong sangkot sa mga karumaldumal na krimen sa bansa.
00:06Tulad na lang ng issue sa mga nawawalang sabongero.
00:09Samantala matagumpay na kampanya laban sa illegal na droga at pagbabalik loob ng mga dating rebelde,
00:14ibinida rin ang Pangulo sa kanyang zona ang detalya sa report ni Harley Valbuena.
00:22Hahabulin at pananagutin natin ang mga utak at mga sangkot si Billion Man Official.
00:30Kahit malakas, mabigat, umayaman, hindi sila mangingiwabaw sa batas.
00:41Yan ang matapang nababala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation address,
00:49laban sa mga nasa likod ng krimen sa mga nawawalang sabongero.
00:53Tiniyak ng Pangulo na may kalalagyan ang mga sindikato o sino mang sangkot sa karumaldumal na krimen.
01:02Sa usapin ng siguridad, tiniyak ng Pangulo ang pagpapalakas sa kapulisan at sandataang lakas.
01:09Ayaw rin pakampante ng Pangulo sa pagbaba ng krimen ng bansa,
01:13kaya hindi titigil ang police visibility sa mga komunidad para sa implementasyon ng 5-minute rule sa pagresponde.
01:22Ibinida rin ang pagkakumpiska sa halos 83 bilyong pisong halaga ng iligal na droga
01:29at pagkakaaresto ng mahigit 153,000 drug sospek.
01:35Siniguro rin ang presidente, nadadaan sa butas ng karayom ang mga pusher bago makabalik
01:41dahil nagpapatuloy ang operasyon laban sa malalaki at maliliit na drug dealer.
01:48Ipinagmalaki rin ito na wala nang natitirang grupo ng mga gerilya sa bansa.
01:53Ang mga dating rebelde ay nagbalik na sa pamahalaan.
01:57At sa wakas, wala na rin nalalabing grupong gerilya sa bansa.
02:03Titiyakin ng pamahalaan na wala nang mabubuo muli.
02:12Magkakasangga ngayon ang AFP, PNP at mga dating rebelde
02:16sa pagpapanatili ng kayusan at kapayapaan sa barn.
02:20Sa usapin sa West Philippine Sea,
02:23paigtingin ang pagbabantay sa mga teritoryo
02:25pero mananatili ang mahabang pasensya ng Pilipinas.
02:30Wala rin magbabago sa foreign policy ng bansa
02:33sa harap na rin ng nakatakdang pag-host ng Pilipinas
02:37ng 2026 ASEAN Summit.
02:40Then as now, our foreign policy remains the same.
02:45The Philippines is a friend to all.
02:48The Philippines is an enemy to none.
02:51That will be our main focus as we, the Philippines,
02:54host the ASEAN Summit in 2026.
02:58Masayang binati ng pinakamataas na pinuno ng bansa
03:08ang mga bagong halal na senador at kongresista
03:11para sa 20th Congress.
03:13Pero sa Pangulo na rin mismo nang galing
03:16na may napagtanto siya sa nagdaang 2025 midterm elections.
03:21Malinaw sa akin ang mensahe ng naging resulta ng halalan.
03:25Bigo at dismayado ang mga tao sa pamahalaan,
03:29lalo na sa mga pangungunahing servisyo.
03:33Ang leksyon sa atin ay simple lamang.
03:35Kailangan pa natin mas lalong galingan.
03:39Kailangan pa natin mas lalong bilisan.
03:41Sa pagpasok sa huling tatlong taon ng kanyang termino,
03:45sinabi ng Pangulo na ang mga natutunan niyang leksyon
03:48sa mga Pilipino ang magbibigay sa kanya
03:51ng gana at sigla sa trabaho.
03:54Harley Valvena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.