00:00Lumago sa 5.5% ang gross domestic product ng Pilipinas sa ikalawang quarter ng 2025 ayon sa Philippine Statistics Authority.
00:10Nananatili rin ang bansa bilang isa sa fastest growing economy sa ASA.
00:15Yan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:19Siguraduhin mararamdaman ng mga ordinaryong Pilipino ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
00:25Ito ang tiniyak ng pamahalaan matapos bigyang din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na state of the nation na address na walang saisay ang magandang ekonomiya kung marami pa rin ang nagihirap.
00:39Sa ulat ng Philippine Statistics Authority, lumago ng 5.5% ang gross domestic product ng bansa para sa second quarter ng 2025.
00:50Mas mataas ito sa 5.4% GDP growth noong first quarter pero mas mababa sa 6.3% sa second quarter ng 2024.
01:01Ayon sa PSA, katumbas ito ng 6.965 trillion pesos na GDP price o kabuang halaga ng naiproduce na domestic goods at services mula Abril hanggang Hunyo ngayong taon.
01:14Kabilang sa mga pangunahing dahilan sa paglago ng ekonomiya, ang wholesale and retail trade at motor vehicles and motorcycles repair na nagambag ng 0.9% percentage points,
01:27public administration at defense at compulsory social security na may 0.7% at financial and insurance activities na may 0.6% growth, lumago rin ang lahat ng major economic sectors.
01:42Ang mga pangunahing sektor ng ekonomiya na agriculture, forestry and fishing, industry at services ay nagsipagtala ng mga pagtaas na 7%, 2.1% at 6.9% respectively.
01:59Naitala rin ang 5.5% na paglago sa household consumption, 8.7% sa government consumption, 4.4% sa exports at 2.9% sa imports.
02:13Nagawang lumago ng ekonomiya sa kabila ng global uncertainties tulad ng taripa ng Amerika.
02:19At gayon din, ang pansamantalang paghinto ng ilang proyekto ng gobyerno dahil sa election spending ban noong midterm elections.
02:27Nananatili ang Pilipinas bilang isa sa fastest growing economies sa Asia at naungusan ito ang China at Indonesia.
02:37Naniniwala naman ang isang ekonomista na dahil sa masiglang estado ng ekonomiya para sa second quarter,
02:43inaasaang makakamit pa rin ang target na 5.5 to 6% GDP growth para sa buong 2025.
02:50Pero ang ilan nating kababayan na is maramdaman ang magandang takbo ng ekonomiya sa pamagitan ng mga programang direktang makaapekto sa kanilang buhay.
03:01Sa trabaho po, magandang trabaho, opportunity po. Sa ospital lang po, sa kayong highway, kalsada, laging traffic eh.
03:11Tulong sa mga katulad kong PWD, lalo na sa amin, wala kaming pahanap buhay ganon.
03:21Kaya naman sinabi ng DepDev, nasa nalalabing tatlong taon ng Administrasyong Marcos,
03:26mas paiigtingin pa ang mga programang nakatuon sa edukasyon, kalusugan, food security, at digital at physical connectivity.
03:36Sisikapin ding gawing pang mas abot kaya ang mga pangunahing pangangailangan,
03:41kakibat ng paglika ng mga dekalidad na trabaho, at pagkapalakas ng investments.
03:46We're going to focus a lot of efforts, including in the budget, for education, health, social protection, connectivity,
03:56both digital and physical, and food security.
04:02So those are the things that our President mentioned,
04:06that's mga services na must be felt, must be experienced by ordinary Filipinos.
04:12Harley Valbana para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
04:16Harley Valbana para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.