00:00Kung sa Australia, umapaw ang mga Pilipinong taga-support na ni Alex Iala,
00:06paano pa kaya sa literal niyang home court
00:09pag naglaro na siya sa WTA Philippine Women's Open na magsisimula sa lunes?
00:16Bihira rin mag-host ang Pilipinas ng International Tennis Tournament
00:20kung saan mahigit 30 tennis stars ang mapapanood.
00:24Ang insayo ni Alex at ng iba pa sa pagtutok ni J.P. Soriano.
00:35Pagkarating pa lang sa Pilipinas mula Australia kahapon,
00:38nabanggit na ni Alex Iala ang excitement na makapaglaro sa isang official WTA game dito sa Pilipinas.
00:45Yes, I will be playing next week. I'm looking forward to it.
00:49Fresh from Australian Open si Alex kung saan usap-usapan sa Australian media
00:54ang mahabang pila ng kanyang Filipino fans na mabilis pumuno sa tennis court.
00:59Kaya maraming nanood na lang sa screen sa isang kalapit na park.
01:03Paano pa kaya pag naglaro na siya sa Rizal Memorial Sports Complex Tennis Court
01:07para sa Women's Tennis Association o WTA 125 Philippine Women's Open?
01:13Namataan na siya nage-ensayo roon kanina bago pa man ang umpisa ng palaro sa lunes, January 26.
01:19Tulad ng iba pang world-class tennis players na naroon na rin.
01:24Sakaling dagsain nga ng fans, may 2,000 sitting capacity ang buong tennis center
01:29na halos triple ng 750 sitting capacity requirement ng WTA.
01:35Binisita ko na ito nung puspusan itong pinupulido
01:38at nakita ko nga ang mga pagbabago para maging world-class ito.
01:42Bagong pintura na at nagdagdag pa ng mga locker rooms at opisina.
01:46Mga kapuso na rito po tayo ngayon sa tennis center na makasaysayang Rizal Memorial
01:50ang venue kung saan maglalaban-laban ang mahigit sa 30 sa pinakamagaling na tennis players sa buong mundo.
01:56Kabilang na po yung mga namayagpag sa mga pinakaprestiyosong tennis tournaments
02:00gaya ng US Open, Australian Open at meron pa nga po na Olympic medalist.
02:05At kasama po sa nabigyan ng wildcard slot,
02:07ang ating pambato ang National Pride na si Alex Ayala.
02:11Ayon sa Philippine Tennis Association, napabilis ang usapan para gawin ang isang WTA tournament sa Pilipinas
02:18dahil sa kasikatan ni Alex na patuloy na tumataas ang ranking sa world tennis.
02:24Itong pag-host ng WTA 125,
02:27isa lang ito sa component ng buong ecosystem na gusto nating gawin
02:32para ma-improve yung buong tennis program po natin.
02:37Bukod kay Alex, kabilang din sa 32 tennis stars na lalaban sa WTA 125
02:43ay ang Paris Olympic silver medalist si Donna Vekic.
02:47Dadagdag sila sa mahabang listahan na mga dati ng tennis legends na nakapaglaro dito sa Rizal Memorial.
02:54That is the Rizal Memorial Coliseum.
02:57Bjorn Borg played there.
02:59All tennis greats played there.
03:01Pag naglaro ka rito,
03:02At batang tennis player ka nila,
03:04I've played in the historic Rizal Memorial Tennis Complex.
03:10I have arrived.
03:12Para sa GMA Integrated News,
03:14ako po si JP Soriano.
03:16Nakatutok 24 oras.
Comments