00:00Patay ang isang lalaki matapos malunod sa Ilog Pasig.
00:04Inaalam pa ang totoong nangyari pero may humabol umano sa biktima
00:08ng mga lalaking sakay ng kotse kaya siya napatalon sa ilog.
00:13Nakatutok si June, venerasyon.
00:18Bankay na namatagpuan ng mga otoridad ang lalaking niyan sa Ilog Pasig
00:22sakop ng barangay 286 sa Binondo, Maynila, pasado alas 7 kagabi.
00:26Ayon sa barangay, nagulat na lang sila nang mataranta ang mga residente
00:32dahil may palutang-lutang na katawan sa Ilog.
00:34Nung marami na pong nakapagsabi sa amin na may nalunod,
00:40inutusan ko na po agad yung mga tanod ko na pumunta sa Coast Guard
00:43para ipaalam sa kanila, para ma-retrieve yung patay.
00:47Pagka-retrieve po, pumunta ka agad ako sa PCP para inform sa kanila
00:50and then agad naman dumating yung investigador at yung homicide.
00:56Pero dahil sa may kadiliman ng Ilog, tumagal daw na mahigit isang oras
01:00bago tuluyang na-recover ang bankay ng biktima sa tapat ng isang pumping station.
01:05Base naman sa Salaysay sa mga otoridad ng mga kasamang babae ng biktima,
01:09ilang lalaki na lulan ng kotse ang humahabol sa biktima.
01:13Yung isang kasama niya, nahuli, and then dalawang kasama,
01:16yung isa pa niyang kasama, tsaka siya, tumalon po ng Ilog.
01:20And yun, unfortunately, hindi po siya nakaligtas, but yung isa po nakatakas.
01:24Pero sira raw ang mga CCTV na makapagpapatunay sa Salaysay ng mga babae
01:29ayon sa barangay.
01:30Palaisipan din umanong sa barangay kung bakit hindi agad humingi ng tulong
01:35ang mga babae na makitang nalulunod na ang kanilang kaibigan.
01:38Nataranta rin daw sila, hindi rin nga rin daw nila alam yung gagawin nila.
01:42Gayunman, patuloy ang backchecking ng pulisya sa posibleng lugar
01:46ang dinaanda ng biktima bago ang insidente.
01:48Hinahanap din ang isa pang lalaki na sinasabing tumalon din sa Ilog
01:52para makuha na ng Salaysay at mabigyang linaw kung ano ang totoong dahilan ng nangyari.
01:58Para sa GMA Integrated News, June Van Rasyon Nakatutok, 24 Horas.