00:00Tuloy-tuloy ang pamaskong handog ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Tara sa Palacio sa Kalayaan Grounds.
00:08Isa sa binigyang halaga ng Pangulo ay ang overseas Filipino workers na tinaguri ang mga bagong bayani ng bansa.
00:15The report si Denise Osorio.
00:19Muling binuksan sa publiko ang Malacanang Palace para sa Christmas event na Tara sa Palacio.
00:24Dito, personal na nagtungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kalayaan Grounds para sa isang pamaskong handog para sa mga Pilipino, kabilang na ang mga overseas Filipino workers.
00:36Ayon kay Pangulong Marcos Jr., pasasalamat at pagmamalasakit ng pamahalaan sa mga Pilipinong patuloy na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya at para sa bayan ang paghandog na ito.
00:47Bahagi rin ito ng pagpapadaman ng administrasyon na parati silang nakaalalay sa mga itinuturing na bagong bayani ng Pilipinas.
00:57Kung sa bibigyan ng grade, nasa 10, masaya. Basta na-enjoy ako.
01:04Hindi lamang mga OFW ang nag-enjoy sa aktividad, kundi pati mga kabataan at estudyanteng unang beses na nakapasok at nakaranas ng ganitong programa sa loob ng palasyo.
01:14Ang masasabi ko po is parang panibago po siya sa paningin namin dahil parang nakakapanibago siya, parang ngayon lang din ho namin na nakapag-attend sa parang gantong bagay.
01:29And ayun po, nakakatawa po na kahit papano is meron po tayong way para maging masaya po ang Pasko namin.
01:35Para sa mga dumalo, ang tara sa palasyo ay hindi lamang simpleng pagbisita, kundi isang pihirang pagkakataong masilayan at maranasan ang palasyo ng Pangulo, na bukas para sa publiko.
01:47Tuwing gabi, mula sa CIS hanggang alas 10 ng gabi, bukas ang palace grounds hanggang December 23 para sa makukulay na Christmas display at iba't ibang aktividad para sa buong pamilya.
01:58Samantala, gaganapin din sa Malacanang ang Misa de Gario hanggang December 24 para sa publiko na magsisumula araw-araw ng alas 4 ng madaling araw.
02:09Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments