00:00Iminungkahin ng Agriculture Department ang pansamantalang pagtigil sa importasyon ng bigas sa panahon ng anihan sa susunod na buwan.
00:10Bukod pa dyan, ang pagtaas ng taripa sa imported na bigas para protektahan ang mga lokal na magsasaka.
00:17Nakatutok si Mari Zumali.
00:22Bumagsak na sa 11 pesos kada kilo ang bentahan o farm gate price ng palay ayon sa Phil Rice.
00:28Masyado na kasing mura ang bigas sa world market at kailangan sumabay ng lokal na bigas.
00:33Kaya para protektahan ang mga lokal na magsasaka sa pagkalugi,
00:38Iminungkahin ng Department of Agriculture ang pagtaas sa taripa sa imported na bigas.
00:43Pero paano naman ang mamimili?
00:45Sa presyo ng bigas, hindi naman yan kagad mararamdaman dahil it will take some time bago makarating yung bigas na imported na mas magtaas ng taripa.
00:55Hindi rin daw bibiglain ang pagtaas ng taripa.
00:58Mula 15% ay gagawin muna itong 25% bago gawing 35%.
01:03The government needs to have a very careful balance.
01:07Of course, for our consumers, for our producers who are our farmers.
01:13Ngayon, sila talaga ang apektado sobra.
01:15Inirekomenda rin itigil ang pag-aangkat ng bigas sa loob ng 45 hanggang 60 araw,
01:21simula sa Tag-Ani sa Sepyembre, alinsunod sa Rice Tarification Act.
01:25Sa Section 3 ng Republic Act 12.078, pag maraming pumasok na imported na bigas at local production,
01:37the president may temporarily halt or stop importation of rice.
01:44Piniyak ng Department of Agriculture na sapat naman daw ang supply ng bigas sa bansa,
01:48kahit pansamantalang itigil ang importasyon.
01:50Lalo't inaasahan ang mahigit 11 million metric tons na ani mula ngayong Agosto hanggang Nobyembre.
01:57Mataas din daw ang stock ng bigas sa National Food Authority na nasa 16% batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.
02:05Pabor dito ang tendero ng bigas na nakausap ko.
02:08Dapat talaga yung una nating tulungan, yung mga farmers, kasi sila yung naghahatid ng pagkain natin sa hapagkainan.
02:15Pabor din dito ang Federation of Free Farmers sabay-sabing dapat dati pa ito ginawa bago bumagsak ang presyo ng palay.
02:23Para sa GMA Integrated News, Mariz Omali Nakatutok, 24 Horas.
Comments