Skip to playerSkip to main content
Nagmahal na ang imported na bigas sa ilang puwesto, kahit hindi pa umiiral ang import ban para diyan. Sumbong 'yan sa agriculture department nang mag-inspeksyon sa isang palengke sa Maynila.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagmahal na ang imported na bigas sa ilang pwesto kahit hindi pa umiiral ang import ban para ryan.
00:07Sumbong yan sa Agriculture Department nang mag-inspeksyon sa isang palengke sa Maynila.
00:13Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:17Nadating 1,000, maging 1,040 ang puhunan.
00:21So sa bagay na po iyan, eh, hindi po makakaya para po sa MSRP na 45.
00:28Tumaas raw ang presyo ng isang uri ng bigas na imported mula sa Vietnam ayon sa isang rice retailer sa Quinta Market.
00:36Binalitan niya ito kay Trade Secretary Christina Roque na naglibot sa Quinta Market at isang supermarket sa Maynila kasama ang Department of Agriculture.
00:46Naunang ipinatigil ni Pangulong Marcos ang pag-iimport ng bigas mula sa ibang bansa simula September 1
00:53para raw hindi bumagsak ang presyo ng bigas sa panahon ng anihan ng lokal na magsasaka.
00:58Dahil patuloy pa rin ang pagpasok na imported rice, wala raw dahilan para tumaas ang presyo nito.
01:04Definitely we'll be looking into that. Mayroon po tayong MSRP ngayon for imported.
01:11So dapat po sumusunod po sila sa ating mga MSRP.
01:15Titignan po natin kung talagang sino po ang nagtataas. Yung distributor ba, yung importer ba o yung retailer lang.
01:21Tatagal ng 60 days ang ban sa pag-angkat ng bigas na timing sa anihan ngayong September hanggang October.
01:27Ayon sa DA, tumaas ngayon ang presyo ng palay ng hanggang 4 na piso kaya makabubuti ito sa magsasaka.
01:34We are expecting record harvest. Marami kang harvest, marami kang inventory. So naturally talagang bababa ang presyo.
01:43Yung importation ban talaga ay dinisenyo itiniming na doon sa panahon ng harvest para hindi ma-depress yung presyo ng palay.
01:54Pusibli raw resulta ng espekulasyon ang umanay paggalaw ng presyo ng imported rice.
02:00Spekulasyon kasi nasabi nila na mayroong import ban pero mali nasabihin na wala ng imported kaya nakakaroon na ng pagtaas. Hindi dapat noon.
02:11Ikinatawa naman ang DA na mayroong ilang tindahan na nagbebenta ng 35 pesos kada kilo ng bigas sa Quinta Market.
02:19Ang karneng baboy nasa 390 pesos per kilo ang kasim sa Quinta Market.
02:25430 pesos kada kilo ang liyampo.
02:28May pagtaas ng presyo sa ilang uri ng gulay dahil sa nagdaang bagyo.
02:32Bumisita rin ang grupo sa isang supermarket.
02:34For the Quinta Palenque, maganda yung presyo lalo na sa pork. Malaki yung binaba ng presyo ng baboy.
02:41For the vegetables, the prices are a little bit on the high.
02:45Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Horas.
Comments

Recommended