00:00Umatras bilang testigo ang kaibigan ng nawawalang beauty pageant contestant na si Catherine Camilon sa kaso nito.
00:06Yan ating mapas sa Express Balita ni Gav Villegas.
00:12Umatras na ang ilang testigo sa kaso ng nawawalang beauty pageant contestant na si Catherine Camilon ayon sa Philippine National Police.
00:19Sabi ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na takot sa kanyang kaligtasan ang kaibigan ni Camilon.
00:25Sa kabila nito ay tiniyak ni Fajardo ang kakayahan ng PNP na protektahan ang kaibigan ng nawawalang beauty queen.
00:33Pinaiting pa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang kanilang mga programang nagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran.
00:41Partikular dito ang mga geographically isolated and disadvantaged areas o mga liblib na lugar sa Pilipinas.
00:47Kabilang na dyan ang pagbibigay ng tulong pangkabuhayan sa ating mga kababayang nakatira sa conflict-affected areas
00:53sa pamamagitan niya ng Sustainable Live Revealed Project sa ilalim ng National Action Plan for Unity, Peace and Development 2025 to 2028.
01:01Nariyan din ang pagtulong at pagsuporta sa mga dating rebelde na nagbalikloob sa gobyerno.
01:07Nasa labas na ng Philippine Exclusive Economic Zone ang Chinese Research Vessel na namataan sa karagatan sakop ng Santa Ana Kagaya noong July 31.
01:15Ayon sa PCG, nagsagwa sila ng Radio Challenge sa barkong may nga lang siyang Yanghong noong Sabado pero hindi naman tumugon ang Chinese Research Vessel.
01:23Nanindigan naman ang PCG na patuloy ang kanilang pagbabantay sa mga karagatang sakop ng bansa.
01:30Maaari nang magkaroon ng sariling bahay ang mga overseas Filipino worker sa murang halaga.
01:35Ito ay matapos ipabilang ng pamahalaan ang mga OFW sa mga posibleng maging benepisyaryo ng 4PH program o pangbansang pabahay para sa Pilipino program.
01:44Kinakailangan lang na miyembro ang OFW ng pag-ibig, first-time homeowner at hindi lalagpa sa 65 years old ang edad sa araw ng application.
01:53Gabo Milde Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.