00:00Umatras na ang ilang testigo sa kaso ng nawawalang beauty pageant contestant na si Catherine Camilon ayon sa Philippine National Police.
00:09Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, natakot sa kanyang kaligtasan ang kaibigan ni Camilon.
00:18Sa kabila nito ay tiniyak ni Fajardo ang kakayahan ng PNP na protektahan ang nasabing kaibigan ni Camilon.
00:25Paliwanag ni Fajardo mahalaga ang papel nito dahil siya ang huling nakausap ni Camilon at siya ang may alam na espesyal na relasyon ni Camilon kay Dismissed Police Major Alan De Castro.