00:00Samantala, itutuloy na ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA
00:04ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP.
00:09Ibig sabihin nito, huhulihin na po yung mga lumalabag sa batas trapiko
00:13sa pamamagitan ng high-definition CCTV cameras, digital cameras,
00:18at iba pang gadgets tulad ng speed gun at handheld video cameras.
00:23Si Christian Bascone sa detalye live. Christian?
00:30Yes, Audrey, wala nang takas sa mata ng batas trapiko ang mga kamote riders,
00:35mga unruly drivers o sino mang mga traffic law violators.
00:40At ngayon din, hindi na rin mata ng isang law enforcer ang magbabantay,
00:48kundi mga lente na ng kamera ang tututok 24x7 sa lahat ng mga traffic rules violators.
00:54At dahil yan, sa ngayong araw, sisimulang ipatupad ang No Contact Apprehension Policy o ang NCAP.
01:06Simula nga ngayong araw ng Lunes, Mayo 26, magpapatuloy ang pagpapatupad ng NCAP.
01:12Huhulihin ang mga lumalabag sa mga batas trapiko sa pamamagitan ng high-definition CCTV cameras,
01:18digital cameras at iba pa na mga gadgets tulad ng speed gun at handheld video cameras.
01:24Hindi na kailangan ng physical na panguhuli ng mga traffic enforcers sa mga lansangang nasasakop ng MMDA na may mga nakatakdang kamera.
01:32Ang mga pang makukunang lalabag ay dadaan muna sa masusing review at validation
01:37bago padalhan ng Notice of Violation o NOV sa reyestradong adres ng sasakyan
01:42ayon yan sa Land Transportation Management Database System sa pamamagitan ng PhilPost.
01:48Sa mga pampaserong bus naman, ang Notice of Violation ay ipapadala sa adres ng kanilang mga bus companies.
01:54Kung hindi ang reyestradong may-ari ang nagmamaneho sa oras ng paglabag,
01:59may kalakip na form ang NOV para sa declaration ng actual driver.
02:04Maaring i-apela ang Notice of Violation o NOV sa pamamagitan ng online filing platform ng MMDA Tropic Adjudication Division.
02:11Hindi na kailangang pumunta sa MMDA office para mag-apela pero maaari ring personal na mag-sumite ng apela
02:17sa MMDA Tropic Adjudication Division, MMDA Head Office sa Julia Barga 7, New Corner, Mulavis Street, Barangay Ugong, Pasig City.
02:26Nabukasimula lunes hanggang viernes, alas 7 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon.
02:31Maaring bayaran ang multa online sa pamamagitan ng land bank.
02:35Paalala, kung hindi mababayaran ang multa, mapapabilang sa LTO alarm list ang license plate ng sasakyan.
02:43Samantala, sakop ng NCAP ang mga lalabag sa batas trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila na nasa orisdiksyon ng MMDA.
02:51Kabilang dito ang C1 Recto, C2 Mendoza, President Quirino Avenue, C3 Araneta Avenue, C5 CP Garcia, Katipunan Avenue, Tandang Sora,
03:03R1 Roas Boulevard, R2 Taft Avenue, R3 South Super Highway, R4 Show Boulevard, R5 Ortigas Avenue, R6 Magsaysay Boulevard, Aurora Boulevard,
03:15R7 Quezon Avenue at Commonwealth Avenue, R8 A Bonifacio, R9 Rizal Avenue, R10 Del Pond, Marcos Highway, MacArthur Highway,
03:26at itong dito sa kinatatayuan ko ngayon sa kahabaan ng ETSA. Paalala ng MMDA na maging maingat sa pagmamaneho at piliin lagi na sumunod sa batas trapiko
03:38para maiwasan ang anumang pagbabayad ng multa o anumang abala. Yan na muna ang ulat. Balik sa iyo, Audrey.