Skip to playerSkip to main content
May mga naitalang sugatan sa biglang pagsabog sa bangketa sa Tondo, Maynila ngayong hapon.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May mga naitalang sugatan sa biglang pagsabog sa banketa sa Tondo, Maynila ngayong hapon.
00:05At nakatutok doon la si Von Aquino.
00:13Duguan pero makikita sa video na may malay pa ang dalawa sa nakahandusay ng mga biktima ng pagsabog.
00:19Ayon sa Kapitan ng Barangay 234, pasado alas 2 ng hapon, nang marinig nila ang malakas na pagsabog.
00:25Nang ipahanap nila ito sa mga tanod, nakita nila ang mga sugatang mga ngalakal sa banketa.
00:31Agad raw silang tumawag ng ambulansya at mga pulis.
00:34Rumesponde at nag-imbestiga rin ang mga taga-explosive ordinance disposal unit, Bureau of Fire Protection at SOCO.
00:41Sa inisyal na investigasyon ng mga otoridad, hindi explosive device kundi posibleng kompresor ang dahilan ng pagsabog.
00:47Iniimbestigahan kung anong klaseng kompresor ito. Narito ang pahayag.
00:51Isang kompresor na nakuha nila allegedly sa isang kalakal at yun ang kinaan nila kanina, parang pinokpok or binubuksan nang bigla itong sumabog.
01:04Pia, ayon pa sa hepe ng MPD Station 2, dinala sa Jose R.A.S. Memorial Medical Center yung apat na sugatan at nasa operating room na sila.
01:18Ito namang pinangyarihan ng pagsabog ay nakakordon pa rin hanggang sa ngayon matapos yung investigasyon dito ng mga otoridad.
01:25Pia?
01:25So, Von, sabi mo noon na hanggang sa ngayon nagpapatuloy ang investigasyon at nakakordon ang paligid dyan.
01:33Pero meron ba tayong inaasahan na iba pang mga development sa pagpapatuloy ng investigasyon sa araw na ito, Von?
01:40Yun nga, Pia, alamin pa kung anong klaseng kompresor yung naging sanhin ng pagsabog.
01:51At hindi pa rin naman certain kung ano nga yung naging dahilan kung bakit sumabog ito.
01:56Pero sa inisyal na investigasyon kasi ng mga polis, binubuksan daw ito ng mga mga ngalakal ng sumabog nga ito.
02:03Sa ngayon kasi, Pia, tapos na yung mga otoridad dito sa site at hinihintay na lang din natin yung iba pang updates niyan.
02:10Pia?
02:12Marami salamat, Von Aquino!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended