Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa video na ito, kitang nakatambay ang grupo ng mga grade 8 students sa isang tent sa Bambang Nueva Vizcaya.
00:09Isa sa kanila nagsi-cellphone sa gilid hanggang sa...
00:23Napahupo ang biktimang nakapulang palda habang nanood lang ang iba pa nilang kasama.
00:30Hindi pa man tapos magsalita ang biktima, nilapitan siya ng isa pang babae at bigla siyang sinampal.
00:38Hindi pong walag ang biktima pero hindi pa rin natigil ang mga kasama niya.
00:44Ang mga nanakit, nagtawanan pa habang ang biktima na natiling na lang na nakaupo at hindi na kumikibo.
00:52May isa pa ulit na sumampal sa kanya.
00:54Doon na sila nilapitan at inawat ng isang may-ari ng kalapit na tindahan.
00:58Sa isa pang video, nakatayo sa gilid ng halamanan ang magkakaiskwela at muling nagkaroon ng komprontasyon at tulakan.
01:07Nataranta ang grupo at agad sinilip ang biktima na nakahiga at nadaga na ng tumulak sa kanya.
01:13Muli silang pinuntahan at inawat ng may-ari ng tindahan.
01:17Ang nag-viral na insidente na nangyari noong Martes, nakarating na sa Alkalde ng Bambang na agad nagpaimbestiga.
01:23Kuha ang mga video ng isa rin kasama ng mga estudyanteng kita sa video.
01:28Base sa inisyal na investigasyon, nag-cutting o lumiban sa klase ang mga estudyante at nag-inuman malapit sa paaralan.
01:35Nagkainitan daw sila hanggang sa nauwi sa sakitan.
01:39Ayon sa Schools Division Superintendent, limang sinasabing nanakit sa biktima at rekomendasyon ng mga otoridad,
01:45ilipat sila ng paaralan.
01:48Nagtakda na rin sila ng counseling at debriefing para sa biktima at iba pang sangkot na estudyante.
01:54Sabi ng mga otoridad, pag-aaralan din nila ang reklamong cyberbullying
01:57dahil sa pag-upload at pagbabahagi ng viral video ng pananakit.
02:02Ayon sa pulisya, decidido raw na magsampan ang reklamo ang pamilya ng biktima.
02:06Ipatatawag din ang opisyal ng paaralan na nagbenta ng alak sa mga sangkot na estudyante.
02:11Ipinag-utos na rin ng LGU na tiyaking walang magbibenta ng alak sa mga minority edad
02:16alinsunod sa kanilang ordinansa.
02:19Sinubukan naming makuha ang panig ng mga sangkot sa insidente
02:22pero tumanggi silang magbigay ng pahaya.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended