00:01Inibisigan ngayon ang motibo sa pagpatay sa dalawang dayuhan sa Malate, Maynila.
00:06Itinumba po sila ng Riding in Tandem at nakatutok si Jumar Apresto.
00:13Dead on the spot ang dalawang foreign national na yan matapos tambangan sa bahagi ng Malvar Street, Malate, Maynila,
00:19mag-aalas 11 kagabi, ang mga biktima malapitang pinagbabaril ng Riding in Tandem.
00:25Base sa kuha ng CCTV na ipinakita sa atin ang mga tauhan ng Manila Police District,
00:28makikita ang dalawang biktima na nakasakay sa isang taksi.
00:32Pinababa sila ng dalawang salarin at agad na binaril at kinuha ang kanila mga gamit.
00:37Sabi ng isang saksi, nakatambay sila nang marinig ang ilang putok ng baril.
00:41Pagtingin namin, may dalawa ng nakabulagta.
00:47Yung isa, kinukuha yung mga gamit ng nakabulagta.
00:52Wala silang parehas helmet, tapos parehas silang naka face mask, naka sombrelo.
00:59Tumanggi munang magbigay ng aktual na kopya ng CCTV ang barangay habang gumugulong ang investigasyon.
01:04Pero base sa kanilang monitoring sa CCTV, agad na hinabol na mga nagpapatrolyang pulis ang Riding in Tandem.
01:10Ang bali ang umabol po na natin dun sa Riding in Tandem is mga temaryo po at meron pa pong sumunod na dalawang pulis na tumatakbulan po.
01:23Nag-exit po sila ng Adriatico going to ng Alonso Adriatico po.
01:30Ang bali ang labas po nun sir, Bocobo na po ang tagos.
01:33Ayon sa Manila Police District, parehong nagtamu ng tama ng bala sa ulo ang dalawang biktima.
01:39Napagalaman din ang polisya na isang lalaking marketing staff ng isang club ang kasama nila sa loob ng taksi bago mangyari ang krimen.
01:46Ito raw ang nag-alok sa mga biktima na magtungo sa kanilang bar.
01:49Dinala siya sa tanggapan ng MPD para sumailalim sa investigasyon.
01:52Hindi pa malinaw kung saan galing ang mga biktima bago ang pamamaril.
01:56Dalawang basyon ang bala ng hinihinalang 9mm pistol ang narecover sa crime scene.
02:00Inaalam pa ng motoridad kung ano ang nationality ng mga biktima dahil walang ID na nakuha sa kanila.
02:05Pero isang opisyal ng Manila Korea Town Committee ang nagtungo sa crime scene.
02:10Patuloy naman ang backtracking at hot pursuit operation ng polisya para mahuli ang riding in tandem at malaman ang motibo sa likod ng pamamaril.
02:18Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.