Skip to playerSkip to main content
Wala pang isang Linggo matapos masunugan, muling nagka-sunog sa isang residential area sa Caloocan City.
Dahil masikip ang daan, kinailangang butasin ang isang pader para mailikas ang mga residente.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Wala pa isang linggo matapos masunugan,
00:03muling nagkasunog sa isang residential area sa Caloocan City.
00:06At dahil masikipang daan, kinailangang butasin
00:09ang isang pader para mailikas ang mga residente.
00:12Nakatutok si EJ Gomez.
00:18Nabulabog ng sunog ang mga residente ng barangay 160 sa Caloocan City
00:22pasado alas 10 kagabi.
00:24Mabilis na lumaki ang sunog na umabot sa ikalawang alarma.
00:27Ang mga residente at mga bumbero umakyat sa bubong
00:30para pagtulungang apulahin ang apoy.
00:33Sa sobrang sikip kasi ng lugar, hindi makalapit ang mga truck ng bumbero.
00:37Mga daanan po is not accessible sa mga fire trucks natin.
00:40Katulad po nito, lahat halos ng mga fire trucks.
00:42Dito nakapweso sa may NLX.
00:44Kaya maging ang mga residente nahirapan sa paglikas.
00:47Si Helen natamaan parawang injured na braso.
00:50Mahirap. Gayga, ano kami, sikip. Wala.
00:55Wala na makuha.
00:56Paglabas namin, ano na, sobrang taas na po talaga ng apoy.
01:01Kaya hindi na po namin naisalba lahat ng mga ano namin, mga gamit.
01:06Bali, mga alaga na lang namin yung mga nabit-bit po talaga namin.
01:09Mabilis po ang pagkalat ng apoy eh.
01:11Ngayon, dikit-dikit kasi ang bahay.
01:13Ang pader na ito, binutas pa para makalabas sa mga residente.
01:17Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasa dalawampung kabahayanang natupok.
01:21Higit isang daang pamilya o hindi bababa sa tatlong daang individual ang apektado.
01:26Tatlong residente rin daw ang nasugatan.
01:28Pusibling illegal connection ng kuryente raw ang dahilan ng apoy.
01:33Dito lang lunes, July 28.
01:35Nasunog na rin ang nasabing lugar.
01:37Sabi ng barangay, hindi pa nga nakakabalik lahat ng mga residenteng lumikas noon.
01:41Pan-anim na araw po namin, nagkaroon po kami ng sunog sa kabilang area na binaha.
01:47Tapos nagkaroon ng sunog.
01:48Nakaredy naman po ang barangay sa mga pagkain nila at mga damit.
01:52Nakaredy po evacuation area po natin.
01:54Tumagal ng halos apat na oras ang sunog.
01:57Naapula ito bago magalas dos i-medya kaninang madaling araw.
02:01Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
02:11EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended