00:00Mas maraming polis daw ang idedeploy ng NCRPO sa malawakang kilos protesta ng iba't ibang grupo sa November 30, kumpara noong September 21.
00:09Wala mang namamonitor na security threat, hindi daw inaalis sa polisya ang posibilidad na may sumumok na manggulo.
00:15At nakatutok si Bon Aquino.
00:20Simula November 28, naka-full alert ang National Capital Region Police Office
00:25para sa malawakang kilos protesta ng iba't ibang grupo sa Bonifacio Day sa November 30.
00:32Handa na po ang NCRPO simula pa po nung matapos yung ating huling malaking aktividad.
00:37Ang guidance po ng aming Regional Director, Police Major General Anthony Aberin ay klaro, preventive, responsive
00:43at syempre ang maximum tolerance para maging maayos ang lahat ng kilos protesta.
00:48Ayon sa NCRPO, may permit na rin ang mga organizers sa People Power Monument
00:53kung saan inaasahan ng mga organizer na hindi lalagpas sa 50,000 individual ang sasali.
01:00Tiyak daw na mas marami silang idedeploy na polis sa November 30,
01:04kumpara noong September 21 kung kailan nagkaroon ng gulo sa Mendiola.
01:09Meron tayong CDM contingents, meron tayong negotiating team,
01:13meron tayong monitoring team, meron tayong lalo yung arresting team.
01:17So bumuo tayo ng separate na arresting team para dito sa ating mga magaganap na mga pagtitipon.
01:23Para maiwasan din ito, meron tayong mga CCTV na mga in-install para mas real-time yung monitoring po namin
01:30at agad-agad yung aming magiging responde.
01:33Sa ngayon, wala pang namomonitor na security threat ang NCRPO.
01:37So, hindi po natin inaalis yun na posibleng merong sumubok, nagmanggulo.
01:43Meron po tayong mga civilian agents na personnel na nandyan na para siguruduhin
01:48na kung sakali man na may mamomonitor sila na hindi sila doon,
01:52kung baga hindi sila belong dito sa grupong ito,
01:54ay agad-agad po ang magiging action namin.
01:57Nakahanda na rin ng ilang grupo tulad ng isang bayan.
02:00Sana hindi naman ito gamitin para manggulo sa ating bayan
02:05dahil at the end of the day, what we want is a constitutional and rule of law process
02:12and yun nga, ang gusto natin eh, managot sila
02:15pero hindi naman anything na revolutionary or unconstitutional.
02:19Hindi kami papayan dyan.
02:21Ang grupong makabaya naman, magtitipon umano sa Rizal Park.
02:26Ang buong range ng panawagan ng ating mamamayan,
02:30kaugnay ng lahat ng sangkot dapat managot
02:34at kailangan may pagbabago sa sistema.
02:37Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok, 24 oras.
Comments