00:00Sa bigang buhos ng malakas na ulan, muling nalubog sa baha ang ilang lugar sa Metro Manila.
00:06At ang ilang residente nagbangka para makatawid.
00:09Nakatutok si EJ Gomez.
00:14Dulot ng malakas na ulan, malawak ang baha ang naranasan sa Maynila kahapon.
00:20Ang Espanya Boulevard nagmistulang ilog.
00:24Dahil lampas binti ang baha, ang ilan sumakay na ng bangka.
00:28Umabot yan hanggang sa Dapitan Street.
00:31Sa Maceda Street, gutter deep ang baha.
00:34May iba rin sinuong ang baha sa Kundiman Street sa Sampaloc.
00:37Yung mga tao po, naglakad na lang sila.
00:41Nabuhat-buhat nila yung mga sapatos nila.
00:44Kasi basang-basa po talaga sila.
00:46Sa Kundiman Street, marami po ang mga pinasok ng baha.
00:50Kasama po dito yung bahay po ng mga officials.
00:53Ang residenteng ito, inangat ang mga gamit para hindi mabasa ng baha.
00:59Kabi-kabilang traffic ang dinulot ng baha.
01:02Gaya sa Demasalang Street, Salonlaan Road at Maria Clara Street.
01:08Sa Espanya, halos bus na lang ang dumaraan noong kasagsaganang malakas na ulan.
01:12Wala, apektado po talaga kami kasi hindi kami makapamasanap.
01:16Sobrang traffic, hindi alas din ang umagalaw.
01:19Ang traffic, umabot hanggang mag-aalas 11 kagabi.
01:22Gaya sa Blumen Street.
01:24Ito yung kahabaan ng New Antipolo Street sa Tondo, Maynila,
01:27kung saan umabot daw hanggang sa tuhod ang baha ayon sa mga residente.
01:32Kita sa aking gilid ang mga basura na naglitawan noong kasagsaganang baha.
01:36May nabot po hanggang tuhod po.
01:39Then ito nga po yung mga basura, naglabasan po ma'am.
01:42Tapos yung mga dagarin po, ayun niya, nakakadiri, nakakasuka.
01:47This month po actually, nag-declogging.
01:50Bali, meron naman po tayong weekly cleanup drive po.
01:53Tapos parati pong pinapaalanahan po yung mga residente po na
01:58huwag basa-basa mag-ano ng mga kalat or magtapon po sa mga drainage.
02:03Pasado alas 10 ng gabi, nang humupa ang baha sa Maynila.
02:08Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
Comments