00:00Malaki ang may tutulong ng mga direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa edukasyon
00:05para maresolba ang problema sa malaki pa rin bilang ng mga Pilipinong illiterate o hindi marunong bumasa o subulat.
00:13Yan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:17Para sa Philippine Statistics Authority,
00:20malaking tulong ang mga direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng edukasyon
00:26sa kanyang ikaapat na State of the Nation address
00:28para mabawasan ang bilang ng mga Pilipinong illiterate o hindi marunong bumasa o sumulat.
00:36Batay kasi sa 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey o FLEMS
00:42na iprinisinta ng PSA at ng Southeast Asian Ministers of Education Organization, Inotech.
00:49Umangat sa 93.1% ang basic literacy rate sa bansa,
00:55mas mataas sa 89.7% noong 2019.
01:00Pero pagdating sa Functional Literacy o kakayanang bumasa,
01:05sumulat, mag-compute at mag-comprehend o makaintindi
01:09na itala lamang ito sa 70.8% mula sa 61.7% noong 2019.
01:16Ibig sabihin, tatlo sa bawat sampung Pilipino ang Functionally Illiterate.
01:22Kinaas natin yung bar doon sa Functional Literacy.
01:26At nakita natin na may mga citizens tayo na yun nga yung may problema sila,
01:31marunong silang magbasa, marunong silang sumulat, marunong silang mag-compute,
01:35pero yung problema yung comprehension.
01:37Tatlo sa mga probinsyang may pinakamababang Functional Literacy Rate
01:41ay nasa Mindanao, kabilang ang Tawi-Tawi, Davao Occidental, at Zamboanga del Sur.
01:48Nakita ang nakaapekto sa literacy rate
01:51ang issue sa food security at peace and order sa Mindanao.
01:55Paano ka nga naman makakaintindi kung gutong ka?
01:58And then isa pa dyan nakikita yung sustained peace and order.
02:02Number one yun na kundisyon.
02:04Ayon sa PSA, malaking bagay ang direktiba ng Pangulo
02:08na bigyang prioridad sa libreng edukasyon
02:11ang mga mag-aaral mula sa mga pamilyang membro
02:14ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program for Peace.
02:18Makatutulong din sa pag-angat ng Literacy Rate
02:20ang direktiba ng Pangulo na palawakin ang internet connectivity.
02:24Hanggang sa mga liblib na lugar.
02:27Hindi pa lahat na kukover, particularly yung mga island municipalities natin.
02:32At doon nakatugon itong instruction ni Pangulo
02:36na mag-provide ng internet connectivity, which is very important.
02:40Nakikipagugnayan na ang PSA sa Department of Education
02:43at mga lokal na pamahalan upang matukoy ang mga lugar
02:47na mas nangangailangan ng pagtutok sa literacy campaign.
02:51Harley Valvena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.