00:00Patuloy na gagamiting mainam ng National Irrigation Administration
00:04ng Artificial Intelligence o AI
00:07sa paglalabas ng mga abiso sa publiko
00:10ukol sa lagay ng mga dam.
00:12Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen,
00:15gumagamit na sila umano ng Advanced Forecast System
00:18sa pagbibigay ng mga anunsyo bago ang pagpapakawala ng tubig,
00:23tulad ng pagpapaalala apat na araw hanggang sa isang linggo
00:27bago ang mismong araw ng pagre-release ng tubig.
00:30Sa pamamagitan nito, nakapaghanda ang mga komunidad na maapektuhan.
00:35Sa kasalukuyan, hindi pa nagpapakawala ng tubig
00:38ang mga dam na hawak ng NIA tulad ng Magat Dam at Pantabangan Dam.