00:00Bilang mahalagang pundasyon ng ating bansa, patuloy na pinagbubuti ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang edukasyon ng mga kabataan.
00:10Ang hindi lang yan pagdating sa kanilang mga aralin, kundi maging sa kalusugan at kaligtasan ng mga Pilipinong mag-aaral.
00:18Ang mga yan mula kay Eugene Fernandez ng IBC.
00:22Sa ikatlong taon ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:31isa sa patuloy na sinusubaybayan ay ang kalagayan ng sektor ng edukasyon.
00:35Kabilang sa pinagtuunan ng pansin ng administrasyon ay ang pagbasa ng mahalagang batas para sa edukasyon na itinuturing ring tagumpay ng DepEd sa pamumuno ni Sekretary Juan Edgardo Angara.
00:47Isa sa mga ito ay ang RA 12028 Academic Recovery and Accessible Learning Program o Aralo na layong tulungan ng mga estudyanteng na iwan sa pag-aaral dahil sa pandemia.
00:59Sa pamamagitan ng tutoring, catch-up classes at support materials.
01:04Ang ilan sa mga tulong ng batas na ito ay paniniguradong may sapat na kabayaran ang mga tutor na gagabay sa mga mag-aaral na saklaw ng implementasyon ng naturang batas.
01:13Pagbibigay ng libreng digital access sa mga mag-aaral at guro at pag-offer ng flexible learning modalities para sa mga bata.
01:21With the signing of the Aral Law, we embark on a definitive journey to champion the right of every Filipino child to quality education,
01:31ensuring as well that it is accessible to all.
01:36At the heart of this law lies a steadfast commitment to a free and effective learning intervention for our learners
01:42from kindergarten to grade 10 within our public education system.
01:47Nariyan din ang pinirmahang RA 12080 o Basic Education Mental Health and Well-Being Act
01:54na unang beses naglagay ng legal na mekanismo para sa mental health support sa loob ng mga pampublikong paaralan.
02:01Mga hakbang na naglalayong tugunan, hindi lamang ang academic needs ng mga mag-aaral,
02:06kundi pati na rin ang aspetong emosyonal at psikologikal.
02:10Schools will become sanctuaries of learning and of well-being.
02:14Care centers staffed by trained professionals will provide counseling and stress management workshops
02:21and implement programs to reduce stigma around mental health.
02:25Sa usapin naman ng mga pasilidad, target ang pagpapatayo ng 105,000 classrooms sa buong bansa.
02:32Sisimulan nito sa 15,000 classrooms na sasakatuparan sa pamamagitan ng PPP o Public-Private Partnership.
02:39Kasabay nito ang rebisyon ng senior high school kurikulum, kabilang ang pagbabawas ng subjects at pagtuon sa mas mahalagang kaalaman at kasanayan.
02:48Sa infrastructure ng digital access, isang inisyatibang ginagawa sa ngayon ay ang Digital Bayanihan Program ng DICT at DepEd.
02:57Layunin nito ang mapatuloy ang internet connectivity sa mga geographically isolated at disadvantaged areas
03:03sa pamamagitan ng Starlink, bayanihan SIM, at free public Wi-Fi.
03:08Personal na pumunta nga ang Pangulo sa Marawi upang mamigay ng Starlink sa ilang paaralan.
03:14Upang pasatotohanan, ang mithiin ng gobyerno na mabigyan ng internet access ang bawat paaralan
03:20para sa mas ikagaganda ng kalidad ng edukasyon ng ating bansa.
03:23Habang patuloy naman ang DICT sa kanilang bayanihan SIM project, kung saan bibigyan ng SIM card
03:30ang mga mag-aaral at guro ng mga eskwelahan na nasa liblib na lugar
03:34na may monthly subsidized internet para sa kanilang pag-aaral.
03:39Lahat ng eskwelahan ng DepEd dapat nakakonekta na sa internet.
03:44So papunta na po tayo doon.
03:46So si Seksani at saka kami, DepEd at saka DICT, nakikipagtulungan sa isa't isa para maabot yung gusto ni Presidente
03:56na bawat estudyante ba, maliban sa magandang classroom, dapat nakakakonekta sa internet ng maayos.
04:04Sa panig naman ng mga guro, ipinangako rin ng DepEd ang pagpapatuloy ng upskilling
04:09at pag-aayos sa pulisiya ng procurement ng teaching materials,
04:13lalo na sa mga aklat at manual na matagal ng isyong binubuhay ng sektor.
04:19Direktiba rin yung Pangulo na bawasan ang administrative tasks ng mga guro
04:22upang mas mapaganda ang kalidad ng pagtuturo na ibinibigay ng mga ito sa mga mag-aaral.
04:28One of the things that we did, binawasan natin ang kanilang administrative duties.
04:35Then we hired many, many, many more teachers.
04:38And then we have put in place a program for the retraining, re-education of our teachers
04:45kasi maraming nang bagong, maraming bagong nangyayari.
04:48Batay naman sa ulat ng CHED, napanatili rin ang libreng edukasyon sa mga state universities and colleges.
04:54At mahigit sa kalahati ng 4.1 milyong enrolled na estudyante noong nakarang taon
05:00ang nakinabang sa Universal Access to Quality Tertiary Education Program.
05:05Sa ikaapat na zona ng Pangulo, inaabangan naman ng marami
05:09ang magiging pagsusulong pa ng Pangulo para sa pagsasakatuparan ng hangaring
05:14mas mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral sa bansa.
05:18Eugene Fernandez, para sa SONA 2025.