Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Saksik!
00:06Sama-sama tayong magiging...
00:08Sakki!
00:15Sa pagpapatuloy ng paghanap para sa mga nawawalang sabongero,
00:18susurin ang DNA sample mula sa bungo ng tao na narecover sa Taal Lake.
00:24Sakki! Si Salim Arefra.
00:25One week, the diving operation was suspended at the lake in the last year.
00:34In the last year, the operation was captured by the naiwawalang sabongerong.
00:39May narecover down na bungo at ilang buto ang Philippine Coast Guard.
00:43May kasamang bungo ng tao at mga buto.
00:48Doon yung ngipin, may ngipin na kasama. May DNA rin yun kasi buong buo pa yung nakakabit pa sa skull.
00:57So baka doon sa ngipin mismo may DNA pa.
01:01Nakuha mga ito sa mga kwadrant ng lawa na itinuro ni Julie Dondon Patidongan.
01:06Makikita mo talaga, reliable yung sinasabi ng ating testigo.
01:10Doon nga tinatapon at dinidispatch siya yung mga labi ng mga taong pinapatay.
01:21At marahil hindi lang makahanap dyan, hindi lang siguro krimen sa sabong.
01:27Ngunit sabi ko nga, maaaring sa drug war, maaaring ibang krimen na na-involve ang death squad na to.
01:34Kaya ng ibang na-recover sa Taal Lake, isa sa ilalim din ang mga buto sa forensic examination at DNA collection.
01:41At posibleng ikumpara sa dental records.
01:44Sumailalim naman sa dagdag na interview ng Department of Justice ang bagong saksing magpapalakas umano ng kaso.
01:51Posibleng ipasok siya sa Witness Protection Program.
01:54Binubuo na namin yung mga affidavit para yung complaint pwede na i-file.
01:58Hinug na, hinug na yung kaso.
02:00Sabihin ko sa ating mga kasama na paspasa na.
02:03Kasi nga, ang tagal na natin hindiin tayo ito.
02:06Iniimbestigahan na rin ang DOJ ang sumbong ng ilang kaanak ng missing sa Bungeros
02:11na gusto ng ilang nagpakilalang police CIDG na kasuhan nila si Pati Dongan
02:17at idiin daw siya bilang mastermind ng pagdukot sa mga nawawala.
02:21Tumawag po sa akin si ******
02:23Then ang sabi niya sa akin, according to sa pidavit namin, ang kakasuhan daw po namin ay isa si Mr. Dondon Pati Dongan.
02:30Sabi ko, bakit niyo po kakasuhan si Sir Dondon?
02:33Yung po ang sabi sa akin yung mga ******
02:35Hindi naman daw dapat paniwalaan yung mga salita ni Sir Dondon
02:39kaya nag-iimbestiga sila ng panibago.
02:41Sa statement pa lang po nila na pabago-bago
02:44tapos ang gusto nila ang palabasin sila Sir Dondon yung may kasalanan po talaga sa lahat
02:49o sila yung mastermind.
02:51Nanindigan ang mga kaanak na hindi sila pipirma sa affidavit kapag kinasuhan si Pati Dongan.
02:56Isa yan sa mga ulat sa amin na may mga kumikilos na ganyan ang gusto mangyari.
03:01Kaya na-relieve na yung service director ng CIDG.
03:03Nauna nang hiningi ni Remulya kay PNP Chief General Nicolás Torre III
03:07na alisin muna sa pwesto ang isang service commander
03:11dahil sa issue ng tiwala sa paghawak sa investigasyon.
03:14Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang PNP.
03:17Nitong weekend lang ay hepe pa ng CIDG si Brigadier General Romeo Macapas.
03:23Sabi niya sa isang text message,
03:25bine-berifica pa nila ang impormasyong may mga polis CIDG
03:28na nagpapadiin kay Pati Dongan sa mga kaanak na mga nawawala.
03:33Ang abogado naman ang labing dalawang polis na pinahaharap sa mga kasong administratibo
03:38matapos isangkot sa pagkawala ng mga sabongyero,
03:41humingi muna ng panahong makausap ang mga kliyente bago magbigay ng pahayag.
03:47Para sa GMA Integrated News, ako si Salima Rafra ng inyong saksi.
03:53Nauwi sa habulan at barila ng pagtugis sa isang suspect sa panguhold-up sa Maynila.
03:59Saksi, si Marisol Abderrama.
04:06Hinabol ng mga operatiba ng Manila Police District Station 11
04:09ang limotong siklong mga lalaki niyan sa Maynila
04:11bago maghating gabi nitong lunes.
04:13Ang mga lalaki, suspect pala sa panguhold-up sa isang istudyante.
04:17Doon sa mga CCTVs po, makikita po na sobrang bilis po nungtang ko nila.
04:22Hindi, parang ang tingin ko nga doon, baka maka-accidente pa kasi sobrang bilis.
04:27Kwento ng biktima, wala na siyang nagawa dahil sa sobrang takot.
04:36Masamang-masamang loob niya dahil yung tinangay na cellphone matagal na niyang pinag-ipunan.
04:40May pinaglalaanan din ang pera nakuha sa kanya.
04:43Nagsasideline po ako bilang construction o kaya minsan po waiter
04:47para po makapag-ipon para po sa pag-online class kasi po sa pag-aaral po.
04:52Lalo na pong mga nakaraan po maulan.
04:54Kaya sobrang sakit lang po.
04:56Ayun po sana is magiging allowance ko para ko rin po sa pang requirements at pang school ko po.
05:01Ayon sa MPD, nakahingi ng tulong ang biktima sa mga polis kaya agad nakapaglumisa ng hot pursuit.
05:07Nakita po yung ating polis na parang emergency po yung dating nung mingi ng tulong.
05:14Pilapitan ka agad nila po.
05:16Mingi po siya ng tulong na hinulabda po siya.
05:19At that point, tinutukan na po ng baril.
05:21So afterwards po, tinuro niya po agad yung tumatakbong ito.
05:25Hinabol po nila yan sa milieu de la industria, dito sa Binondo po.
05:30Nak-corner ng mga polis ang suspect nang mahulog siya sa motosiklo.
05:34Pero mabilis siyang umakyat sa MacArthur Bridge.
05:37At kahit may tama na sa paa, tumakbo pa rin ang suspect pa kiyat sa isang truck hanggang makarating sa Manila Hotel.
05:53Pero hindi na nabawi ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng 25,000 pesos at 3,500 pesos na cash.
06:13Para sa GMA Integrated News, Marisol Abdurrahman ang inyong saksi.
06:19Walang kawala sa operasyon sa Pampanga, ang dalawang koryanong sangkot umano sa streaming app scam.
06:26Sa hiwalay na operasyon, timbog din ang dalaw pang koryanong nasa likod umano ng modus na fake travel agency.
06:34Saksi, si John Consulta.
06:41Immigration, dumog! Dumog! Get down! Get down!
06:44Sa visa ng dalang mission order, nire-de-mang operatiba ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit ang unit na yan sa Pampanga.
06:51Ang target, mga dayuang sangkot sa modus na fake travel agency.
06:56Arrestado ang dalawang koryano na abutan pang nakabukas ang mga computer na ginagamit umano sa illegal na transaksyon.
07:02Ayon sa BI, kinasa ang operasyon matapos itimbri ng Department of Tourism.
07:06Nagpapanggap nga sila na travel agency at nagtatawag sa kanilang mga biktima sa Korea upang alukin ng mga mabababang flights at mabababang rates ng mga hotels dito sa atin.
07:17May nakausap po tayong isang hotel sa Cebu at sinasabing may lumapag sa kanilang more than 30 Korean nationals na sa pagkakaakala nila ay may booking sila dito sa isang five-star hotel.
07:29Ngunit nung chinek ng hotel ay wala pong naka-register na booking itong grupong ito.
07:35Sa hiwalay na operasyon, sa Pampanga pa rin, arrestado si Sangvila ang dalawang pang koryano na sangkot naman umano sa pangi-scam sa mga gustong mag-subscribe sa isang online streaming app.
07:46Isa sa kanila, leader umano ng scamming syndicate sa South Korea.
07:50Na kukumbinsin nila itong magpadala ng pera o mag-subscribe kung saan ito ay walang totoong subscription sa sinasabi nilang application or movie streaming application.
08:02Sinisikap pa namin makuha ang panig ng apatay na arrest ng koryano na naharap sa summary deportation.
08:08Para sa GMA Integrated News, John Konsulta ang inyong saksi.
08:15Sa susunod na taon na, ikakasaang pagsasayos sa Guadalupe Bridge sa lungsod ng Makati.
08:20Hahabuli naman ang Department of Public Works and Highways ang mga nasa likod ng bumagsak na tulay sa Isabela nitong Pebrero.
08:27Saksi, si Joseph Moro.
08:40Nitong Pebrero bumagsak dahil sa bigat ng dumaan track ang Kabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela.
08:46Inihalimbawa ito ng Pangulo sa kanyang State of the Nation address na mga di dapat tulara ng mga proyektong pang-infrastruktura ng pamahalaan.
08:54Ginastusan ang taong bayan ng isang bilyon. Sampung taon tinayo.
09:01Nung binuksan, ilang araw pa lang. Giba na agad.
09:05Ayon kay Public Works and Highway Secretary Manuel Bonoan, tapos na ang technical investigation nila sa tulay.
09:11Ang recommendations namin already is to file actually yung mga civil cases against yung mga what we feel na what we know ka na medyo may tulang sa paggagawa let's say sa contractor o sa designer and of course yung truck na nakasira.
09:32Ngayong linggo naman sasampahan ng reklamang sibil at kriminal ang driver ng truck.
09:38Ang Guadalupe Bridge naman sa Makati na nabanggit din ang Pangulo sa Sona sa 2027 pa gagawin.
09:44Pero ngayong taong na raw sisimula ng paggawa ng mga detour bridge sa magkabilang gilid na inaasahang matatapos sa unang quarter ng 2026.
09:53Matagal nang inerekomenda ng Japan International Cooperation Agency o JICA na kumpunihin ito dahil sa mga krakat hindi kakayanin ang malaking lindol.
10:02Ang kukumpunihin lang naman namin dyan yung outer structure hindi yung buong Guadalupe pero hindi namin gagalawin muna yung structures sa 2026 kasi nandyan yung ASEAN meeting so we don't want to disturb actually the traffic in that area.
10:20Tuloy naman ang pagbubungkal sa ilang magiging stasyon ng Metro Manila Subway tulad sa North Avenue Quezon City na nasa 50% na ang nabubutas.
10:28Tumagos na mula Valenzuela Station papundang kasunod itong Quirino Station ang tunnel boring machine na nagbubutas ng Lagusan.
10:36Kayon din sa Camp Aguinaldo Station.
10:38Ang Ortigas Avenue Station sa Pasig naman na tatlong taon ang delayed ang konstruksyon masisimula na.
10:45Naresolva na kasi sa wakas ang problema sa right of way ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon.
10:51Hopefully within the next few weeks we will start construction already finally after three years since the groundbreaking.
10:57Kinumusta nila ni Pasig City Mayor Vico Soto ang isa sa dalawang stasyon ng subway sa Pasig kanina.
11:04Sa ngayon ay may mga rerouting ng pinaiiral sa bahagi ng Pasig.
11:08Madadagdagan pa yan pag itinuloy ang konstruksyon at magtatayo ang DOTR na mga access road.
11:13Alam naman natin ang problema sa traffic.
11:15The only solution to traffic, the only way to have better mobility is through mass transport.
11:21Kaya kami sa LGU, ginagawa namin ang lahat ng pwede namin gawin para makatulong.
11:28Kung may delay man, at least hindi sa amin yung delay.
11:32Papunta na sa Pasig ang paghuhukay ng tunnel boring machine mula sa Camp Aguinaldo Station.
11:37Nasa igagin na tayo ng white planes right now.
11:42We're expecting the tunnel boring machines to reach Ortigas by 2026, end of 2026.
11:49Dahil sa mga right-of-way issues, tulad dito sa Pasig, delayed na ng limang taon ang Metro Manila Subway Project.
11:56Pero susubukan daw ng pamahalaan na makapagpatakbo kahit dalawang stasyon mula Valenzuela hanggang Quirino sa 2028.
12:05Susubukan namang mapaabot ang biyahe hanggang Ortigas Station sa 2030 o 2031.
12:12Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong ang inyong saksi.
12:15Mga kapuso, maging una sa saksi.
12:19Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended