Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Taas singil sa toll ang bumungad sa mga motorista sa South Luzon Expressway at Star Tollway ngayong unang araw ng 2026.
00:08Saksi si Jamie Santos.
00:13Magaan at masarap bumiyahin ngayong unang araw ng bagong taon.
00:17Halos saan ka man dumaan, kapansin-pansing maluwag ang daloy ng trapiko.
00:22Sa EDSA particular sa bahagi ng Connecticut, tuloy-tuloy ang usad ng mga sasakyan.
00:27Maging sa EDSA o Rense na kamakailan ay nakaranas ng pagsisikip dahil sa isinasagawang asphalt overlay bilang bahagi ng EDSA Rehabilitation Phase 1, maayos din ang daloy ng trapiko.
00:40Bahagya lamang bumabagal ang biyahe pagdating sa Ayala Tunnel, kung saan may ilang tauhan ang nagsasayos ng mga traffic cone sa bagong gawang linya o lane.
00:49Pagpasok naman sa South Luzon Expressway o SLEX, smooth sailing din ang biyahe mula Bikutan hanggang Kanlubang.
00:56Mula Pansol, Laguna, pauwi na ng Ulongga po ang isang motorista na nakausap namin.
01:02Ayon sa kanya, sobra raw nilang na-enjoy ang biyahe dahil halos wala silang inabot na trapiko.
01:07Okay naman po, masaya, sobra.
01:10Kahapon po, bali overnight lang naman po. Okay naman po. Smooth naman po.
01:15Galing naman sa Sorsogon ang magkasintahang ito na doon nagdiwang ng holidays.
01:20At ngayong New Year, bumiyahe na pabalik ng Metro Manila.
01:23Awan ng Diyos, very maluwag yung kalsada right now.
01:29Nag-enjoy pa yung mga tao.
01:30Tama nga po talaga yung hula namin na January 1 talaga kami bumiyahe instead of sa 4.
01:35Sa kabila ng magaan na daloy ng trapiko, dagdag gastos ang bumungan sa mga motorista ngayong unang araw ng 2026.
01:43Matapos ipatupad ang panibagong taasingil sa toll sa SLEX at Star Tollway.
01:47Medyo malungkot sa bulsa ko, sa wallet. Magka-carpool po kami.
01:53Sa SLEX particular sa Alabang to Calamba section, ang approved toll rates ay Class 1, 126 pesos.
02:01Class 2, 253 pesos. At Class 3, 379 pesos.
02:07Samantala, sa Calamba to Santo Tomas section, ang singil naman ay 34 pesos para sa Class 1, 68 pesos para sa Class 2, at 102 pesos para sa Class 3.
02:19Sa Star Tollway naman, mula Santo Tomas Tulipa o Section 1, ang toll rates ay 60 pesos para sa Class 1, 119 pesos para sa Class 2, at 179 pesos para sa Class 3.
02:32Habang sa Lipato Batangas o Section 2, ang approved toll fees ay 53 pesos para sa Class 1, 106 pesos para sa Class 2, at 159 pesos para sa Class 3.
02:45Ayon sa Toll Regulatory Board, ang mga dagdag singil na ito ay upang masiguro ang tuloy-tuloy na operasyon, maintenance at improvement ng SLEX at Star Tollway.
02:55Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
03:00Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:04Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended