Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00To be continued...
00:30Natagpo ang walang malay sa loob ng banyo ng isang in Sarawas Recapiz,
00:35ang 18-anyos na babaeng massage therapist, pasado alauna na madaling araw nitong December 9.
00:41Nadala pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay.
00:45Ayon sa pulisya, inireport ng cashier ng in ang inserente sa kanila.
00:49Agad nireview ang CCTV kung saan nakita na huling nakasama ng biktima ang 23-anyos niyang dating kinakasama.
01:00...on the floor sa CR na nasa gripo lapit.
01:04Alas 10-15 sa ang gagabihon, ininagad.
01:09Naggawa ng suspect, nag-check-in ine sa isa ka room.
01:13May 10-21, nagsulot ang lalaki sa room.
01:16Agad naglunsad ng follow-up operation ang mga polis.
01:27Sa tulong ng Aviation Security Group, na-arresto ng Rojas Repolis ang sospek.
01:32Sa interogasyon ng mga polis, inamin ang sospek na sinakal niya ang biktima.
01:37Plinano raw ng sospek ang pagbatay sa dating live-in partner.
01:40Gumamit raw ang sospek ng dummy account, kaya na-contact ang biktima na magpapamasahe.
01:46Nagawa raw yun ang sospek dahil hindi niya matanggap na hiwalay na sila ng biktima.
01:50Umabot din sa tatlong taon ang kanilang relasyon.
01:53Wala man sa inyong jealousy sir, kundi sa inyong deep recited bluternest crew or hate na hindi niya mabaton ang magbulagay sila.
02:09Kunding sa manager nagsugit ang biktima sa iya na may threat ine sa iya kabuhi ang ine na sospek.
02:17Ayon sa polis siya, uminom ng laso ng sospek matapos niyang gawin ang krimen.
02:22Kaya idiniretsa siya sa ospital ng madakip at ngayong naka-hospital arrest.
02:27Isinailanim naman sa otopsi ang labi ng biktima.
02:30Susuriin sa resulta kung maliban sa sakal, nilason rin ang sospek ang biktima.
02:35May narecover kasing black powder sa crime scene.
02:38Ayon sa polis siya, disinido ang pamilya na magsampan ang reklamo laban sa sospek.
02:43Para sa GMA Integrated News, Kim Salinas ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
02:52Hinangaan ang tapang ng isang babae sa Mandawi City sa Cebu nang iligtas niya ang kanyang mga alagang aso at bumaba habang nasusunog ang isang gusali.
03:01Bukod dito, dalaw pang insidente ng sunog ang sumiklab sa lalawigan.
03:05Saksi si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
03:08Nag-ngungalit na apoy at sinabayan ng makapal at maitim na usok ang bumalot sa gusaling ito pasado alas 7 kaninang umaga sa isang compound sa barangay Gizo, Mandawi, Cebu.
03:23Mabilis na lumaki ang apoy at isa sa mga naabutan ang isang empleyado at kamag-anak na may-ari na nasa ikatlong palapag ng gusali.
03:32Bata pang niyang hinagis ang mga alagang aso para masalo na mga nakaabang sa baba.
03:38Kasunod niyan ay sumampa siya sa balkunahe at naglambitin bago maabot ng kanyang paa ang nakaabang na hagdan at inalalayan ng bumbero.
03:47Na may bar ka nang niabot nga mga air roof, nagdala sila, ukuan ka ng ladder, bitaw nga, bubu-uragod po, up to second floor lang.
03:56So, ni-kupot lang ko sa railings and then sa drainage and then sa kisame before ko naka-reach sa first step sa ladder, then down na.
04:04Right after po kayo, while na na ko sa ladder, niabot na sa tong taga BFP. So, ni-assist na saan sila.
04:11Umabot sa ikalawang alarma ang sunog sa gusali kung saan may nakatambak na mga styro box at mga insulator.
04:19Tinatayang nasa 10 milyong piso ang halaga ng pinsala.
04:22Sa mandawi pa rin, binulabog din ang isa pang sunog, ang barangay Subangdako.
04:35Partially damaged ang ikalawang palapag ng isang bahay.
04:39Iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng sunog.
04:42Pasado ala sa is naman kagabi ng sumiklabang sunog sa barangay Pogon Pardo sa Cebu City.
04:49Pahirapan ang pag-apula dahil sa makitid na daan.
04:52Nakasumpay-sumpay, tag-host, around more than 20 ka-host.
04:56Ikan sa gawas ng bahay, padong sa sulod, portion sa nasunogan. So, nga nakahagipot.
05:03Walumpung bahay ang apektado. Karamihan sa mga residente, wala nang naisalbang mga gamit.
05:09Magpasko, may manampilin sa Daplins Canal.
05:11Huwag naman may balay nga ulian.
05:13Halos 4 na milyong piso ang tinatayang halaga ng pinsala ng sunog.
05:19Isa ang problema sa linya ng kuryente sa tinitingnang sanhi ng sunog.
05:23Sa datos ng BFP, ilan sa pangunahing sanhi ng sunog, lalo na ngayong kapaskuhan, ang short circuit o overloading at open flame gaya ng kitchen fires at sunog dahil sa mga paputo.
05:37Paalala ng BFP, gumamit ng LED Christmas lights na pasok sa Philippine Standard at may safety clearance.
05:46Para sa GMA Integrated News, ako si Nico Sireno ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
05:54Sumalpok sa poste isang jeep sa Marcos Highway sa Antipolo, Rizal.
05:59At sa pulisya, biyahing Antipolo, masinag-intersection ng jeep nang mawala ng preno.
06:04Hindi rin daw gumana ang emergency brake, kaya naisipan umunan ng driver na ibangga ito sa poste.
06:10Sugatan ang labintatlong sakay ng jeep, kabilang ang ilang menor de edad.
06:13At hulo sa mga pasahero, ang dasilidong magsampa ng reklamo laban sa driver.
06:18Nakapiit na yun ang driver sa Antipolo City Police Station at tumaging magpaunlak ng panayang.
06:25Bukod po kay Sarah Descaya, nasa kustodian na rin ng NBI,
06:28ang walong opisyal ng DPWH na kinasuhan kag-nais sa Ghost Flood Control Project sa Davao, Occidental.
06:35Ang pasaporte naman ni dating Congressman Zaldico, kansilado na.
06:40Saksi si John Consulca.
06:46Pagpatak ng alas 5 ng hapon kanina, kansilado na ang pasaporte ng dating Kongresistan si Zaldico.
06:52Alingsunod sa resolusyon na ibinaba ng Sandigan Bayan,
06:56ngayong ikasampunang Disyembre 2025 at sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,
07:04ang kagawaran ng ugnayan panlabas ay kinansila na ang pasaporte ng dating Akobical Party List,
07:11Representative Elizalde Salcedo Co.
07:15Unang inanunsyo ni Pangulong Bomo Marcos ang pagkansila sa pasaporte ni Co.
07:20na ay pinaaresto ng Sandigan Bayan dahil sa mga kasong malversation at graft
07:24kaugnay sa 289 million peso flood control project sa Lajuan, Oriental Mindoro.
07:28Kaya, in-instructionan ko na ang Department of Foreign Affairs, pati ang PNP,
07:33na makipag-ugnayan sa ating mga embasy sa iba't ibang bansa
07:37para tiyakin na hindi maaring magtago itong ating hinahabol.
07:44Sinusubukan namin kunin ang panig ng abogado ni Co.
07:47kauloy sa anunsyo ng DFA.
07:48Pero sa isang ng unang pahayag, sinabi ni Atty. Roy Rondain
07:52na wala siyang impormasyon tungkol sa pagkakansila ng pasaporte ng kanyang kliyente.
07:57Kakatanggap lang daw ni Rondain ng kopya ng morsyong inihain ng ombudsman
08:01sa 5th Division ng Sandigan Bayan para kansilahin ang passport ni Co.
08:05May limang araw pa raw siya para kontrahin ito.
08:08Nauno lang sinabi ng DILG na pininiwala ang nasa Portugal si Co.
08:12at mayroong Portuguese passport na nakuha ilang taon na nakakaraan.
08:17Nabanggit din ni Pangulong Marcos si Sara Descaya na voluntaryong sumuko kahapon sa NBI.
08:22Inaantay ang formal ng paglabas ng kanyang warrant of arrest.
08:26Kayot na nakikita po natin maganda naman ng takbo ng proseso
08:30at yung ating mga hinihilaang na kasama dito sa ganitong klaseng sindikato ay haharap sa justisya.
08:39Sa tanggapan ng NBI, nagpalipas ng magdamag sa Biskaya na nakaharap sa mga kasong graft at malversation
08:45na sa muna'y ghost flood control project sa Davao Occidental.
08:48Yung project na yan, tapos po yan.
08:51Actually, nakuha yan ng St. Timothy noong year 2022 pa.
08:55Opo.
08:56Okay.
08:56Nagkaroon po ng construction agad.
08:58Ang problema po, nagkaroon ng mga pagbaharin doon sa mga lugar na yon.
09:02Nasira, nirepair.
09:05Nasalantana naman ng bagyo.
09:07Nasira, nirepair ulit.
09:09Yung last month, nakumpleto na po yan, sir.
09:11Opo.
09:12Nakumpleto na po yan.
09:13Nagbasil po sa mga dokumentong ibinigay ng mga public responders coming from a DDWH Labo Occidental.
09:21Giyit ng abogado ng mga Diskaya, ang pagsuko ni Sarah sa NBI ay di nangangahulugang umaamin siya sa mga paratang.
09:28Sumuko po siya dahil alam niya na malinis ang kanyang konsensya at kaya niyang harapin ang anumang legal na proseso patungkol dito.
09:37Ayon sa NBI, bukod kay Diskaya, kusa rin sumuko ang walong opisyal ng DPWH Davo Occidental.
09:46Nasa kusuriya sila ng NBI.
09:48Sumuko rin kahapon ang pamangkini Diskaya na si Maria Roma Angeline Grimando, na isa sa mga opisyal ng St. Timothy Construction.
09:57Nakaritin na naman sa Senado ang asawa ni Sarah na si Curly Diskaya.
10:01Ayon sa abogado ng mga Diskaya, nakabimbin sa Pasay City RTC ang kanilang petisyon for certiorari para kwestiyonin ang kanyang pagkatitine sa Senado.
10:11Sa DOJ, nag-aay ng counter-affinavid si nating Sen. Bong Revella,
10:15kaugnay sa aligasyong nagbulsa umano siya ng milyong-milyong pisong kickback mula sa flood control project sa Bulacan.
10:22Ang reklamo kay Revella ay kaugnay sa proyekto sa Bulacan na kinasasangkutan ng Sims Construction.
10:27Kung magiging magsalita sa media si Revella, pero ayon sa nagpagsalita ni Revella,
10:33nagsumiti rin siya ng ebidensya para pabulanan ang akusasyon.
10:37Nagsumiti si Mr. Revella ng mga ebidensya na magpapatunay na lahat ng nilalaman ng mga aligasyon,
10:43akusasyon at reklamo laban sa kanya ay pawang kasinungalingan at kasinungalingan lamang.
10:50Umaasa si Mr. Revella na magiging patas ang Department of Justice
10:54at titignan niya ang ebidensya at hindi na paaabutin ang reklamo ito sa korte.
11:01Pagkaalis ni Revella, dumating naman si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
11:07Matatandaang si Bernardo ang nagsabing personal siyang naghatid ng kahong-kong pera kay Revella
11:12sa bahay nito sa Cavite noong 2024 na nagkakahalaga ng 125 milyon pesos.
11:20Buko dito, naghatid din umano si Bernardo ng 250 milyon pesos sa bahay rin ni Revella
11:25bago nagsimula ang kampanya para sa 2025 elections.
11:30Hindi nagpaunlak ng panayam si Bernardo.
11:32Dati nang itinanggin ni Revella ang mga bintang ni Bernardo.
11:36Para sa GMA Integrated News, ako si John Consulta, ang inyong saksi.
11:41Tinagap na bilang state witness ang magkapatid na sino Julie at ilaking patitongan
11:46kagno'y sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
11:49Sa resolusyon ng DOJ, binasura naman ang reklamo laban kay Gretchen Barreto at sampung iba pa.
11:55Saksi si Chino Gaston.
12:00Halos limang taon matapos unang maipaulat ang tungkol sa mga nawawalang sabongero,
12:05ito na raw ang pinakabalayong narating ng kaso.
12:08Welcome development para sa aming ito, lalo na doon sa mga kapamilya,
12:12nung mga nawawalang mga sabongero.
12:13Sa matagal na panahon, ito na yung pinakamalayang narating ng kasong ito.
12:19Base sa resolusyong inilabas ng Department of Justice,
12:22nakitaan nila ng sapat na basihan para magsampa ng kasong kidnapping with homicide
12:26at kidnapping with serious illegal detention.
12:30Laban kina Charlie Atong Ang at 21 iba pa.
12:33Na ipakita raw sa sworn statement ng magkakapatid na patidongan na sina Julie,
12:38Elakim at Jose na sa pagitan ng Abril 2021 hanggang January 2022,
12:45dinukot ang mga sabongero sa Santa Cruz, Laguna, Lipa City, Batangas,
12:49Manila Arena at San Pablo City sa Laguna.
12:52Binanggit din sa resolusyon ang ilang eyewitness accounts na pagtatapon umano
12:57sa mga katawan ng mga sabongero sa Taal Lake.
12:59Pero hindi kasama bilang ebidensya ang mga buto na nakuha sa lawan ng Taal.
13:05Ayon sa DOJ, magaling umanong magtago ng kanilang krimen ang mga sangkot.
13:11Ang reklamo naman laban sa aktres na si Gretchen Barreto
13:14at sampupang miyembro ng tinatawag na Pitmaster Alpha Group,
13:18ibinasura ng DOJ Panel of Prosecutors.
13:21Base sa resolusyon, espekulasyon at wala raw sapat na ebidensya laban sa kanila.
13:27Dumalo lang daw sila sa pulong kung saan napagdesisyonan umanong parusahan
13:31ang mga sabongero para sa pagdaraya.
13:34Batay na rin daw sa testimonya ng magkakapatid na patidongan.
13:38Sa pamamagitan ng kanyang abogado,
13:40nagpasalamat si Barreto sa mga sumuporta sa kanya.
13:44Kasabay ng muling pag-iit na walang katotohanan ang akusasyon laban sa kanya
13:48at wala siyang kinalaman sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
13:53Hindi rin kakasuhan si na-retired Police Lt. Gen. Johnel Estomo
13:57na dating hepe ng National Capital Region Police Office
14:01at Police Colonel Jacinto Malinao Jr.
14:05Dismiss na rin ang lahat na reklamo laban kina Julie at Elakim
14:08na natanggap na bilang state witness ng Witness Protection Program.
14:12Ayon sa abogado ni Ang, dismayado pero mahinahon na tinanggap ng negosyante ang resolusyon.
14:20Hindi raw patas ang resolusyon ng DOJ
14:22dahil may mga affidavit daw at mga ebidensya mula sa kanila
14:26na tila hindi raw naisama.
14:28Doon ho sa mga ebidensya namin,
14:30nabawa, may sampung affidavit po na yung mga testigo namin na nakafire sa CIDG.
14:40Ngunit yun ho sa sampung affidavit na yun na hindi na nakidulog sa DOJ
14:47at dito si mismo sa resolusyon, hindi man lang nabanggit yung sampung affidavit na puno ngayon.
14:55Nasa Pilipinas lang daw si Ang at maghahain sila ng motion for reconsideration.
15:01Hindi naman kasama sa kakasuhan ang mga anak at iba pang kaanak ni Ang na nadawit din.
15:06Ayon sa Malacanang, naging mapanuri at maingat ang proseso ng pagbuo ng kaso
15:12alinsunod sa kautusan ni Pangulong Marcos.
15:15Kung nais naman lagi ng Pangulo ay dapat kung magsasampan ang kaso,
15:18ito'y naaayon sa ebidensya.
15:20Hindi madali.
15:22Natutuwa raw ang pamilya ng mga nawawalang sabongero sa pag-usad ng kaso
15:27pero marami sa kanila ang naniniwalang nagsisimula palang ang laban.
15:31Ayon sa grupong Justice for Missing Sabongero Network na tumulong sa mga pamilya,
15:37hindi pa tapos ang laban hanggat wala pang hatol at hindi pa napapanagot ang lahat ng sangkot.
15:43Maasa kami na mabigyan ng pag-aasa itong mga kapamilya namin,
15:47kapamilya ng mga biktima para sa ganun.
15:50Makita nung taong bayan na may pag-aasa pa tayo.
15:53Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston ng inyong Saksi.
15:57Mga kapuso, maging una sa Saksi.
16:02Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended