- 1 year ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Super Typhoon Nando
00:30Malakas na alon, hangin, pati na ulan ang dala nito sa Northern Luzon at iba pang lugar.
00:37Isang patay sa landslide at patuloy ang pagsaksi ng GMA Integrated News ngayong ramdam pa rin ang epekto ng Super Bagyong Nando at pinaiting nitong habaga.
00:48Inulan at binaha ang ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite at Rizal mula hapon hanggang ngayong gabi.
00:55Epekto po yan ang habaga na pinaiting ng Super Bagyong Nando.
00:58Saksi, si Mark Salazar.
01:28Ang pagbaha at posible ang landslide.
01:31Kasama rin sa Orange Rainfall Warning ang Metro Manila.
01:35Malamig at malakas ang hampas ng hangin sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
01:39Bandag alas 4 ng hapon.
01:41Halos zero visibility sa E. Rodriguez
01:44At Araneta Avenue.
01:49Malakas na ulan din ang sumalubong sa mga motorista sa Quezon Avenue.
01:53Sa Amoranto Street, napapasayaw ang mga puno sa lakas ng hangin.
02:02Habang bumubuhos ang malakas na ulan, gutter deep ang baha sa Araneta Avenue underpass.
02:09Binahari ng ilang bahagi ng Timog Avenue.
02:12Kanto ng Kamuning at Scout Ibardulaza.
02:14Sa Sergeant Rivera Street, nagsabay ang baha at pagbagal ng usad ng trapiko.
02:22Tuloy-tuloy ang ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila hanggang gabi.
02:27Pasado alas 7 ng gabi hanggang hita ang tubig sa ilang bahagi ng Araneta Avenue.
02:33Nagutos na ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng preemptive evacuation sa mga barangay na madaling bahain.
02:39Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
02:47Alamin naman natin ang sitwasyon sa Cagayan kung saan may mga inililikas pa rin residente ngayong gabi.
02:53At mula sa Bayan ng Santa Ana, saksi live, si Nico Wahe.
02:58Nico?
03:01Tia, kahit kasagsagan na ng pananalasan ng Super Typhoon Nando,
03:05ay tuloy pa rin ang pag-rescue ng MDRRMO Santa Ana.
03:10Lalo na yung sa mga nakatira sa ilog at saka sa may coastal area.
03:17Kanina, kailangang ilikas ang ilang residente sa barangay visitasyon.
03:22Sila yung mga nakatira sa gilid ng ilog.
03:25Binuhatan ng rescuers ang ilang bata.
03:27Kailangan rin alalayan ang babaeng ito na hirap maglakad.
03:30Sa evacuation center naman kanina sa barangay Palawig,
03:33na isa sa mga coastal areas, 124 na pamilya ang nananatili roon.
03:38Pero may ilan na bumalik na raw sa kanika nilang mga bahay.
03:42Samantala, Tia, buong magdamag naming naramdaman ang lakas ng Super Typhoon Nando.
03:47Walang humpay ang malakas na buhos ng ulan at hanging dala ng Super Typhoon Nando sa Santa Ana, Cagayan.
03:57May mga nabuwal na puno.
04:03Naputol na kawat ng kuryente at mga natuklap na yero.
04:08Halos zero visibility sa nadaanan naming port area dahil sa sumanang panahon.
04:12Biernes, nung nandito tayo sa bahaging ito mismo ng Santa Ana, Cagayan,
04:17at sabi nung mga manging isda noon,
04:19at kailangan nilang iangat yung kanilang mga bangka dahil aangat yung tubig dito sa bahaging ito.
04:25At ngayon, ganun nga yung nangyari.
04:28Dahil sobrang lakas ng hangin, sumilong muna kami sa gymnasium ng Santa Ana,
04:32saan lumikas ang mga galing sa baybayin.
04:35Matagal na kami dyan, sir, pero lumikas lang kami kaninang, malakas na kaninang gabi.
04:40Kaya lumikas kami.
04:42Bago magtanghali, mas lalo pang lumakas ang Super Typhoon Nando.
04:47Nagliliparan na ang ilang gamit gaya ng baso rango ito at mga sanga ng puno.
04:52Ang truck na ito, gumagalaw rin dahil sa lakas ng hangin.
04:55Nandito kami sa may munisipyo.
04:57Dito na kami tumuloy dahil wala kaming ibang mapuntahan.
05:01Buti na lang may gymnasium.
05:03At sa ngayon, ganito pa rin yung sitwasyon.
05:06Napakalakas ng hangin.
05:08Yung mga puno, halos wala nang tigil talaga yan.
05:10Mula pa kanina, mula pa kagabi.
05:12Kung tutusin, ng alas 11.
05:14Maya-maya ay dumating ang rescue ng Santa Ana.
05:17Ilang stranded na papasok sana sa trabaho ang nirescue.
05:20Nung nasa Tuguegero kami, sir, hindi pa galing ito, sir.
05:24Pero nabutan na kami dito sa aparito, aparito, Santa Ana, sir.
05:28Niestranded po kasi kami dyan sa may palengke po.
05:31Masyadong mahangin daw po.
05:32Nirescue rin ang munisipyo ang grupo ng mga kababaihang nakatira sa gilid ng dagat.
05:36At nagtatrabaho mo sa isang kasino rito.
05:38Malapit kasi sa dagat kaya possible baka biglang mag-storm, sir.
05:49Tapos lumalakas pa naman yung hangin, saka hangin.
05:52So hindi sila safe dito, sir.
05:54Kaya kailangan na hindi silang evacuate.
05:56Sa gymnasium muna sila pansamantalang dinala.
06:00Ramdam din ang malakas na hangin, ulan at alon sa kalayan.
06:03Ayon sa MDRRMO, nagsagawa ng preemptive evacuation sa mga nakatira malapit sa dagat at ilog.
06:10Pinasasayaw ng malakas na hangin at ulan ang mga puno sa bayan ng Kamalanyugan.
06:15Sa Tuguegaraw City, pinatumba ng malakas na hangin at ulan ang mga nakatanim na palay.
06:21Pinilit namang anihin ng ilang magsasaka sa Ilagan Isabela ang mga tanim na palay at mais bago ang pagtamaro ng bagyo.
06:26Talagang pinipilit na inaanin. Ang problema, wala lamang bibili. Masisira din sa kwal. Buti kung makabilak na eh.
06:34Ayon sa PDRRMO si Isabela, halos limandang pamilya ng nagpreemptive evacuation sa ilan pang bayan doon.
06:45Pia sa mga oras na ito ay medyo naglaylo o nagpahinga muna ng kaunti itong lakas ni Super Typhoon Nando dito sa Santa Ana.
06:54Pero makakaramdam pa rin ang mga pabugsong-bugsong lakas ng hangin.
06:58Kahit may naman sa supply ng kuryente, ayon sa PDRRMO ng Cagayan, 20 sa 20 siyam na kanilang bayan ay walang kuryente ngayon.
07:07At live mula rito sa Santa Ana, Cagayan, para sa GM Integrated News, ako si Niko Wahe. Ang inyong saksi!
07:14Ilang residente sa isang sityo sa Zambales ang ayaw pong munang lumikas sa kabila ng bagsik ng Super Bagyong Nando.
07:21At ang ilang mangis na naman umaaray dahil hindi po sila makapalaon.
07:26Saksi! Si Marisol Abdo naman.
07:31Nakatago sa puno ang mga bangkang ito sa Sitio Longos, Barangay Bolito, sa Santa Cruz, Zambales.
07:37Ang mga nakahilera mga bangkang ito naman inilagay sa mas mataas na lugar.
07:41Ito'y bilang paghahanda sa bagyo.
07:43Pero ligtas nga ang kanilang mga bangka, kumakala naman daw ang kanilang mga sigmura.
07:47Halos magdadalawang linggo na rin kasi silang hindi nakakapalaon.
07:51Doon may diskarte na lang sila para may mapagkakakitaan.
07:53Sa taniman, ganyan. Pero wala na rin ng taniman ngayon.
07:58Dito rin nga, nasisisi doon ang mga malilit na shells dito.
08:03Kinukuha nila ng 4 tabo, 20, 15, 1 tabo.
08:09Ito'y may bagyo o masama ang panahon.
08:11Isa ang Sitio Longos na binabantayan ng barangay.
08:14Halos 600 pamilya ang nakatira rito.
08:17Magsasabay po yan, tubig sa tabang at tubig ng alat.
08:20So, babahain po sila. Sila po talaga number one priority po namin.
08:25Kanina, nag-ikot ang mga taga-barangay.
08:28Nakatinintayin yung malakas ang angin o alon man.
08:35Bukas naman yung ating school para sa lahat.
08:38Maaga rin daw na naghanda ang Santa Cruz Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
08:43Kinausta rin namin ang mga nakatira sa mga coastal barangay sa Iba.
08:48Andito tayo ngayon sa Sitio Corocan sa barangay Lipa-Idingin sa Iba-Zambales.
08:52Kung tutusin, napakadelikado na lugar na ito, lalo na kapag kaganitong bumabagyo.
08:57Napapagitan kasi ito ng dagat at ilog.
09:01Pero sa kabila niyan, ayaw pa rin magsilikas ng mga nakatira rito.
09:05Gaya ng senior citizen na si Jesus Atienza, kahit nakatira sa gilid mismo ng ilog.
09:10Nag-impake naman na si Evelyn pero hindi pa rin siya umaalis.
09:33Apektado rin ang kabuhay ng mga manging isda.
09:46Patuloy na minomonitor ng PDRRMO ang labing tatong bayan sa probinsya,
09:51kabilang ang labing isang coastal municipalities.
09:54Nakaantabay rin ang mga heavy equipment sakaling kailanganin, tulad kung magka-landslide.
09:59May mga bagyo, yun nga po, muscle memory na po sa amin.
10:03Coordinated na po tayo sa lahat ng uniformed personnel.
10:06Nagpipro-MTV evacuation kami sa mga areas na talagang ganyan, na usually na binabaha.
10:14Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman ang inyong saksi.
10:20Isang patay at limang sugatan sa landslide sa Tuba, Benguet.
10:25At apektado rin ang mga pagguho ng lupa ang Baguio City.
10:28Saksi live, si John Consulta.
10:31John, kamusta?
10:32Yes, Pia, isang nga ang patay habang lima naman ang sugatan.
10:41Dito sa nangyaring landslide na tumama sa tatlong susakyan habang binabaybay ang Marcos Highway
10:48na sakop ng barangay poblasyon sa Tuba, Benguet.
10:52Nangyari yan, Pia, sa kasagsagan ng pananalasa ng Super Typhoon Nando.
10:57Malakas ang ragasan ng tubig sa bahaging ito ng Chico River sa Mountain Province.
11:07Nasa red alert na ang level ng tubig doon.
11:09Ibig sabihin, kailangan na lumikas ng mga nakatira sa low-lying at flood-prone areas.
11:16Sa Tuba, Benguet, nagmistulang talon na ang bahaging ito ng Camp 1 Cannon Road sa Tuba, Benguet.
11:21Dasong malang tigil na ulan ang rumagasang tubig galing daw sa Bridal Veil Falls.
11:27Binahari ng bahaging ito ng kalsada sa Sitsubadiwan-Marcos Highway, poblasyon dahil sa malakas na ulan.
11:33Bumagsak din ang lupa at bato mula sa itaas ng bahagi ng Marcos Highway.
11:38Tinamaan nito ang dalawang van at isang tanker truck na nagkadurug-durug dahil dito.
11:43Ayon sa Benguet PBRMO, ang landslide ay nagmula sa taas na bahagi ng bundok na walang slope protection.
11:50Agad nilang sinagip ang mga pasahero ng tatlong susakyan at sinugod sa mga pagamutan.
11:55Sinimulan na rin ang road clearing operations.
11:59May gumuhong lupari at mga natumbang puno na humambalang sa mga kalsada ng Baguio City.
12:04Dito nga tayo sa Barangay Crescensa Village na kung saan nga ay nangyari itong sinasabing soil erosion o pagguho ng lupa.
12:14Makikita natin dito sa ating ituran, malinis na bahagi na yan.
12:18Makikita nyo, mga kapuso talagang sa ganyang kaliwakanan, merong mga vegetation.
12:23Pero itong malinis na dausdos na yan, yan yung path ng dinaanan ng gumuhong lupa.
12:30Makikita natin sa baba, ayun o, yung mga nakapatog pa mga sako.
12:34Eh, yun daw yung mga nailagay doon sa taas bago ito tuluyong gumuhon.
12:38Kaya nga po, baka alin sa taas po, bibigilin na naman.
12:42Kaya nga po, pininan dito sa baba namin, napilitas na.
12:45At kami nga po, bibigilin na tayo po.
12:47Ah, sorry po kayo po.
12:48Kinaula ko na po yung mga anak po, kinawagip at pinapitila.
12:51Ah, okay.
12:52So baka magayang happy na dito, kasi naiwagip at pinapitila po.
12:54Hindi po tayo nakasigurado.
12:56Kinansin na na ang pasok sa eskwelahan at pasok sa gobyerno.
13:00Isinara rin muna ang mga parke at pasyadaan.
13:03Some of the critical portions ng mga barangay is nakakunit ang mga CCTVs.
13:07Apart from that, meron kaming mga GCs, various, several GCs actually,
13:11together with the mayor na binabantayin natin itong mga barangay.
13:14Sa ating po mga kababayan dito sa siyudad ng Baguio, please stay at home.
13:17Wag ko kayong gumamit ng kandila.
13:20Para ako sigurado ang safe po kayo, gumamit ko kayo ng mga flashlights, mga emergency lights.
13:24Sa ating po mga kababayan na nakakita ko ng mga peligro, hazards like leaning trees,
13:33o kaya may nakikita ko kayo mga bato, mga malalaking mga boulders,
13:38o kaya may nakikita ko kayo mga soil erosions, o kaya flooding.
13:42Please let us know. All you have to do is call 911.
13:45Pia, sa mga oras na ito ay tuloy-tuloy pa rin itong malakas na buhos ng ulan na may kasamang buso ng hangin.
13:56At sa ngayon ay patuloy pa rin itong mag-iikot na mga tawa ng CDRMO para nga tulungan ang ating mga kababayan na nangangailangan.
14:04At sa patala, Pia, ang mabuting o magandang balita na nga lang sa sundaling ito ay bumalik na ang kuryente sa ilang bahagi ng Baguio City.
14:13At yan, manalit na sundalit sa Baguio City. Ako si John Consulta, ang inyong saksi.
14:18Hanggang sa mga oras na ito, baha pa rin sa ilang bahay ng Araneta Avenue sa Quezon City.
14:23At kumuha po tayo ng update sa live na pagsaksi ni Jomer Apresco.
14:29Jomer?
14:30Pia, narito ako sa bahagi ng Araneta Avenue sa Quezon City.
14:37Kung mapapansin mo sa aking likuran, e malalim pa ang baha.
14:41Ayon sa ilang truck driver na nakausap natin kanina, umabot sa hanggang bewang ang taas ng baha, kaya hindi makadaan ang ilang motorista.
14:52Sa rampa ng Skyway Stage 3 sa Araneta Avenue muna, nananatili ang mga residente ng Baragay Santo Domingo sa Quezon City.
15:00Mag-aalas 7 ngayong gabi nang umabot sa hanggang bewang ang taas ng baha sa kanilang lugar, particular sa Florentino Street.
15:06Ang 20 years old na si Kenneth Igarta, naabutan pa namin habang nagmamando ng trafiko sa lugar.
15:12Kawang gawa niya raw ito sa mga motorista upang hindi sila dumiretsyo at lumubog sa baha.
15:17Ligpit po muna ako ng gamit ng bahay namin bago po ako lumabas.
15:21Bilang Pilipino, dapat maging mabait tayo sa kapwa natin Pilipino kasi yun naman tradisyon natin, maging mabait.
15:27Ang pahinante naman na yan, nagtatanggal na mga sumamang basura sa paglusong nila sa Araneta Avenue.
15:33Pero maliban sa mga truck, wala ng ibang sasakyan pa ang nakadadaan sa lugar dahil sa taas ng baha.
15:38Sa bahaging ito naman ng Maria Clara Street sa Baragay Santo Domingo pa rin,
15:42kita ang mga residente na lumulusong sa hanggang bewang na taas ng baha.
15:46Ang sasakyang ito, tumirik matapos mapadaan sa lugar.
15:50Hindi niyo napansin na may malalim na yung tubig dyan.
15:52Diret-diretyo talaga siya.
15:54Tapos banda ron sa may ibang tangkit na, napahinto na siya.
15:57Tapos umingi na siya ng tulong para itulak.
16:00Marami raw talagang motorista ang madalas tumirik sa lugar dahil walang naggagaid.
16:05Wala, wala nagbibigay ng babala. Sana kahit may barangay man lang na pumapara sa mga nagkakamali.
16:11Kasi kawawa rin sila, nalulubog, gastos talaga, malala.
16:14Bahari ng bahagi ng Santo Domingo Street kaya may ilang motorista ang nag-aalangan dumaan.
16:20Sa bahaging ito naman ng Quezon Avenue Corner, Santo Domingo,
16:23gatter deep ang taas ng baha pasado alas 8 kanina.
16:26Pero mabilis din naman humu pa ang baha.
16:28Pia, wala ng pag-ulaan na nararanasan dito sa Araneta Avenue.
16:37Pero baha pa rin itong lugar.
16:39Pero sa kabila niyan, may nakikita na tayo mga maliliit na sasakyan ang dumadaan dito sa lugar.
16:45Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto, ang inyong saksi.
16:48Nagpapakawala ng tubig ang Magat Dam, Bingat Dam at Ambuklao Dam.
16:55Nagbabala naman ang pag-asa na posible ang may 3 metrong storm surge o daluyong sa Ilocos Norte.
17:02Saksi, si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
17:09Malakas na alon ang naranasan sa batanes.
17:12Sinabayan pa yan ng malakas na ulan at hangin kaya pahirapan ang pag-iikot o road inspeksyon ng BASCO PDRRMO.
17:23Sa bayan ng uyugan, halos matangay ang mga puno.
17:28Ganyan din ang sitwasyon sa lawag Ilocos Norte.
17:33Halos umabot naman sa dalawang metro ang taas ng alon.
17:36Sa Pagudpud, binabalaan na rin ang mga residente sa bantanang storm surge.
17:44Sa tala ng Ilocos Norte PDRRMO,
17:47nasa 63 families o mahigit 170 individuals na
17:51ang mga idilikas sa isinagawang preemptive evacuation sa mga bayan ng Pagudpud,
17:56Bacara at San Nicolás.
17:58Maulan din sa Dagupan City.
18:00Nakaalerto pa rin ang mga otoridad sa posibling epekto ng super typhoon Nando.
18:05Open na yung mga evacuation centers naman.
18:07Ready to accept evacuation.
18:09And ma'am, itchecheck po natin sila ma'am.
18:11Kasi ang usapan na amin is dapat before nightfall,
18:14nakapag-preempt na sila.
18:16Umabot naman sa Alert Level 3,
18:18ang antas ng tubig sa Marusay River sa Kalasyao.
18:22Sa bayan ng Mangaldan, binaha ang mga palay.
18:26Nagsimula na rin umapaw ang mga creek.
18:28Tuloy-tuloy ang pag-iikot ng MDRRMO
18:31para imonitor ang sitwasyon.
18:33Para sa GMA Integrated News,
18:35ako si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV,
18:38ang inyong saksi.
18:39Mga kapuso, maging una sa saksi.
18:42Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
18:44para sa ibat-ibang balita.