00:00Idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional o labag sa konstitusyon
00:04ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:08Umani naman ang iba't ibang reaksyon sa Senado ang disisyong ito.
00:11Nagbabalik si Daniel Manalastas.
00:14Sinabi ng Malacanang, pag-aaralan pa nila ang buong kopya ng disisyon ng Korte Suprema
00:19na nagsasabing unconstitutional ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
00:25Ang Senado naman na tumatayong impeachment court, iginagalang ang disisyon ng mataas na hukuman.
00:31Kinikilala raw, ayon sa tangpagsalita ng Senate Impeachment Court, ang disisyong ito.
00:37Ayon kay Atty. Reggie Tonggol, ang Senado bilang impeachment court ay laging nakaangkla sa konstitusyon
00:43at kailangan daw respituhin ang kautusan ng Korte.
00:46Inaantay pa raw nila ngayon ang formal na transmittal ng disisyon ng SC.
00:51Pero kung si Sen. Tito Soto ang tatanungin,
00:55sa akin pwede rin namin i-disregard, pwede i-disregard ng Senate yung Supreme Court decision
01:02because it trambles over the work of the Senate na kahiwalay.
01:10Halos kaparehas ang punto ni Sen. Joel Villanueva na nagsabing may disisyon o wala ang Korte Suprema,
01:18magtutuloy daw ang impeachment court.
01:20Pero magiging malaking tanong daw kung susundin ang impeachment court ang utos ng SC.
01:25Matibay naman ang paninindigan ni Sen. Bamaquino na dapat ituloy ang impeachment trial.
01:30Bilang co-equal branch, malinaw daw ang mandato ng konstitusyon at kapangyarihan ng Senado
01:36kaya narapat na i-respeto ang proseso ng impeachment.
01:39Ayon naman sa tagapagsalita ng Kamara, nire-respeto nila ang disisyon ng SC
01:44pero ang kanilang constitutional duty ay hindi nagtatapos dito.
01:48Pumalag din si Atty. Avante sa anyay judicial interference.
01:52Gagawin daw ng Kamara ang lahat ng remedyo para maprotektahan ang independence ng Kongreso,
01:57hindi daw ito pagsuway.
01:59At inilarawan nito ni Avante na constitutional fidelity.
02:03Daniel Manalastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.