00:00Pagbasura sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte
00:04nang hindi pa nagsisimula ang paglilitis
00:06lang mag-umano sa batas ayon sa isang mamabatas.
00:10Isa pang kongresista iginit na dapat lang masimulan
00:13ang paglilitis sa lalong madaling panahon.
00:16Si Mela Lesmura sa Sentro ng Balita, live.
00:21Naomi iginit ng ilang kongresista na maituturing na unconstitutional
00:27kung agad ibabasura ng Senado ang impeachment case
00:30laban kay Vice President Sara Duterte
00:33sa pamamagitan lang ng isang resolusyon kahit hindi pa nagsisimula ang paglilitis.
00:40Ayon kay House Committee on Good Government and Public Accountability Chair Joel Chua,
00:45isa sa mga miyembro ng House Prosecution Team sa impeachment case
00:49laban kay Vice President Sara Duterte,
00:52hindi pa niya nakikita ang kumakalat na umano'y Senate Resolution
00:56na naglalayon umalong magpa-dismiss sa impeachment.
00:59Gayunman, kung may maghain nga nito,
01:02iginititiuwa na labag ito sa batas.
01:05Si Kapataan Partilist Rep. Raul Manuel,
01:08nagbabala na rin laban sa sino mang magtatangkang maghain
01:11o sumuporta sa naturang hakbang.
01:13Habang para naman kay Gabriela Partilist Rep. Arlene Brosas,
01:18muli niyang iginiit na dapat ay simulan na ng Senado
01:21ang paglilitis sa lalong madaling panahon.
01:24Pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ng mga kongresista.
01:29That is not what is mandated sa Senate sa Constitution.
01:35Kami naman kung ano yung mandato sa amin ng ating saligang batas
01:40at bilang miyembro ng prosecution panel,
01:43gagawin natin yung ating constitutional duty.
01:46But at the end of the day, as I said a while ago,
01:50wala na sa amin ng bola eh.
01:52Nasa Senado na eh.
01:53Well, as of now, hindi siya filed.
01:55Kaya ngayon we issue the warning.
01:56Na kung merong mag-aattempt na gawin yun,
01:59ay pag-iinitan talaga ng million-million nating mga kababayan
02:04na naniniwala for various reasons
02:07na dapat pa rin matuloy ang impeachment trial.
02:09Napakagarapal naman na gawin yan ng Senado sa ngayon.
02:14Dahil alam naman natin na ang panawagan,
02:17ang umiingay na panawagan ngayon ay
02:20put the Vice President in trial.
02:23Sa usapin ng public accountability and transparency,
02:28you should be transparent.
02:30Senado pa man din kayo.
02:31Kayo yung tatakbuhan ng mga tao kapag may mga ganitong kaso.
02:36Ano na lang ang magiging record ninyo
02:38pagkatapos nito kung hindi kayo susunod sa saligang batas natin
02:42na nagsasabi na immediately, agad-agad,
02:45mag-convene na at magkaroon ng impeachment trial.
02:50Naomi, nakapanayam natin ang ilang kongresista kanina
02:54bago magsimula ang pagdinig ng House Committee
02:56on Good Government and Public Accountability.
02:59Kanina lamang, Naomi, formal nang tinapos ng komite
03:03yung kanilang investigasyon patungkol sa budget utilization
03:06ng Office of the Vice President at Department of Education
03:10noong ito'y nasa ilalim pa ng pangmuno ni Vice President Sara Duterte
03:14at sa mga susunod na araw ay inaasang maglalabas na rin
03:17ng komite report ang komite ukol dito.
03:19Naomi,
03:20Maraming salamat, Bela Lasmoras.