Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Panayam sa PhilHealth sa mga benepisyo na alok para sa mga tatamaan ng dengue, leptospirosis, at iba pang sakit ngayong tag-ulan

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ngayong sunod-sunod ang pagtama ng bagyo sa bansa na sinabayan pa ng epekto ng habagat,
00:06isa sa mga dapat nating bantayan ay ang ating kalusugan para magbigay agapay sa ating mga kababayan na nangangailangan.
00:13Makakapanayan po natin si Dr. Israel Francis Pargas,
00:17ang Senior Vice President, Health Finance Policy Sector ng PhilHealth.
00:22Yes, Doc Ish, magandang hapon po.
00:25Yes, magandang hapon Angelique at magandang hapon sa lahat.
00:29Unain lang po natin itong leptospirosis dahil sa dami po ng lumusong sa baha at meron pang mga batang nagsiswimming dito.
00:38Ano po ba ang package ng PhilHealth na maaring maasahan ng ating mga kababayan?
00:44Oo nga no, at hindi natin maiiwasan yan kasi sobra ang dami ng pagbaha ngayon sa atin.
00:50Sa PhilHealth po kasi, dalawa yung pwedeng maaaring naibigay na beneficyo natin.
00:55Ngayon, meron na po kasi tayo ng tinatawag na outpatient emergency benefit package na kung saan,
01:02yung ating mga miyembro kung sila ay nakakaranas ng simptomas ng leptospirosis,
01:08ay pwede na po kaagad-agad silang madala sa ating emergency room at doon po kung mabibigyan ng lunas,
01:15gagawa ng laboratorio, bibigyan ng gamot, at hindi naman kailangang maospital at tauuwiin at sa bahay o obserbahan,
01:24yun po ay covered na rin ng PhilHealth.
01:27Pangalawa po, kung kinakailangan naman na upon consultation, ay kailangan silang ma-admit or ma-confine,
01:35meron din po tayong pakete para po doon sa ating mga na-admit ng leptospirosis na nagsisimula po yung ating pakete sa around P21,000.
01:47Okay, ito naman pong dengue dahil ang lamok ay mahilig sa tubig at marami pong mga naimbak na tubig ngayon.
01:55Ano po ang beneficyo maaaring matanggap ng mga miyembro ng PhilHealth sa enhanced benefit package po?
02:02Yes, Angelique. Actually, yung ating ngaan dengue, parang hindi na lang tuwing tag-ulan eh.
02:08Parang nagiging buong patang-on na siya.
02:10But for benefit package again, meron po tayo ng tinatawag na outpatient emergency room package
02:17kung hindi kailangang ma-admit pero madadala tayo sa emergency room.
02:22Pero kung ma-admit po tayo, meron din tayong beneficyo.
02:26So, una halimbawa, dun po sa dengue fever or yung mild dengue lamang,
02:31ang ating pong beneficyo dyan ay umaabot ng around P18,000.
02:35At kung ito naman po ay maging dengue severe or dengue hemorrhagic,
02:39ang ating pong pakete ay umaabot sa around P58,000.
02:44Okay, isa pa po ano, dahil masama nga po ang panahon ngayon,
02:48eh problema rin po kung papaano tayo makaka-access sa malinis na tubig at pati po pagkain.
02:55So, posible rin po na magkaroon tayo ng sakit sa tiyan.
02:59Pwede po ba gastroenteritis, yung mga tinatawag na mga waterborne illnesses.
03:04Ano po ang package natin dyan?
03:06Yes po, Ms. Angelique, no?
03:09Well, unang-una, yung ating pong mga diarrhea or acute gastroenteritis, of course,
03:14at pwedeng-pwede po yan doon sa ating konsulta na tinatawag
03:19o yun pong konsultasyong tama at sigurado.
03:23Ito po yung ating mga accredited facilities na kung saan
03:26ito ay nagbibigay ng ating mga primary care benefits.
03:30So, na doon po ang libreng konsultasyon, libreng laboratorio,
03:34kasama yung eksaminasyon sa dumi,
03:36at kung kinakailangan ng antibiotic o orgamot,
03:40kasama din po yung libre na makukuha
03:42sa ating mga accredited consulta providers.
03:45But, kung, again, kailangang madala sa emergency room,
03:50so meron po tayong outpatient emergency room package,
03:54at kung mag-stay tayo sa emergency room
03:56ng mga around 2 to 6 hours or 8 hours
03:59at hindi naman na-admit at pauwiin,
04:02yan po ay covered ng PhilHealth.
04:04Pero kung kinakailangan na ma-admit
04:07because of dehydration, moderate dehydration,
04:11and severe dehydration,
04:13meron din po tayong pakete
04:14na nagsisimula sa around 11,000 pesos.
04:18Okay, so papano na po,
04:19dahil syempre kapos din po ang fondo
04:21ng mga kababayan natin,
04:22lalo na kapag di sila nakakapasok sa trabaho
04:25o nakakapag-negosyo,
04:28eh, kaya pa po ba natin makamit
04:30itong zero billing,
04:31especially kung sila po ay ma-o-hospital?
04:34Well, ang jilig, actually, sa ngayon,
04:37dahil po sa ating universal health care law,
04:41nakasulat po doon na kung ang pasyente
04:44would opt to be admitted
04:46in a ward or basic accommodation
04:49sa isang government hospital
04:52or even sa private hospital po
04:55sa kanilang ward and basic accommodation,
04:58they should be afforded with no copayment.
05:01Dapat ay wala ng babayadan
05:03at wala nang sisingi din pa
05:05sa ating mga miyembro
05:06as long as, again,
05:07they opt to be admitted
05:09in a basic or ward accommodation.
05:11Well, mas maganda po yung maging maaga po tayo,
05:15hindi po natin iintayin na ma-hospital pa tayo.
05:18Ano po ang dapat tandaan
05:20ng ating mga kababayan
05:22para po makapag-avail sila
05:24sa mga benefit packages ng PhilHealth?
05:27Well, unang-una, Angelique,
05:29alam naman po natin
05:30na tayong lahat na Pilipino
05:32ay miyembro na ng PhilHealth.
05:34Pero, syempre,
05:35mas maganda po
05:36na kung tayo ay registrado
05:37para po pagdating sa ating mga hospital
05:40kung kinakailangan,
05:41wala na po tayo mga dokumento
05:43na hihingiin.
05:45So, yun pong apat na
05:47M's ng PhilHealth,
05:49ipapaalala ko lang,
05:50una, magparegister,
05:52pangalawa is mag-update
05:53ng information,
05:54pangatlo is magbayad ng premium
05:56kung kinakailangan,
05:57at pang-apat,
05:59mag-avail po
06:00ng ating mga beneficyo.
06:02Apo, at inyo pong huling mensahe
06:04sa ating mga kababayan?
06:06Yes, Angelique,
06:07thank you sa pagkakataon.
06:09Lalong-lalo na po ngayon
06:10na tag-ulan at tag-baha.
06:12Kung meron po kayong mga kinakailangan,
06:14pwede po kayong tumawag
06:15sa aming 24x7 hotline
06:17at 028-662-2588.
06:22Pwede po kayong mag-email
06:23sa actioncenter at philhealth.gov.ph
06:26or pwede po kayong mag-check
06:28sa ating website
06:29at www.philhealth.gov.ph
06:32or through the e-gov app
06:34or dito po sa atin,
06:36sa ating PTV4.
06:37Makakarating po sa amin yan.
06:39Alright, maraming maraming salamat po
06:41sa inyong oras,
06:42Dr. Israel Francis Pargas,
06:44ang Senior Vice President
06:45Health Finance Policy Sektor
06:47ng PhilHealth.
06:48Magandang hapon po.
06:49Magandang hapon po.

Recommended