00:00Mahipit na pinag-iingat ang publiko sa mga sakit na nakukuha tuwing panahon ng mga bagyo, pagbaha at pagulan.
00:08Ang PhilHealth naman nakahandang umagapay sa kanilang mga miyembro na tatamaan ng mga ganitong sakit.
00:14May report si Jenner Ned ng Philippine Information Agency.
00:19Sa panahon ng tagulan at malawakang pagbaha, tiniyak ng PhilHealth na sagot nila ang gastusin sa pagpapagamot
00:26para sa dalawa sa mga pinakakaraniwang sakit ngayon, ang dengue at leptospirosis.
00:32Sa ilalim ng enhanced benefit packages ng PhilHealth, sakop nito ang hanggang labing siyam na 1,500 piso para sa mga moderate na kaso ng dengue
00:40at 40,000 piso naman para severe cases.
00:44Samantala, itinaas na rin sa 21,450 piso ang coverage para sa leptospirosis.
00:51Sa isang pahayag, hinikaya ni PhilHealth President and CEO Dr. Edwin Mercado
00:56ang publiko na huwag magatubiling magpatingin sa pinakamalapit na PhilHealth Accredited Hospital.
01:03Aang niya, huwag mag-alinlangan dahil malaking bahagi ng gasto sa gamutan ang sasaguti ng PhilHealth.
01:09Ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
01:14na gawing makabuluhan at accessible sa lahat ng Pilipino ang mga benepisyong pangkalusugan.
01:18Kasabay nito, nagpaalala ang PhilHealth sa publiko na iwasang lumusang sa baha para maiwasan ng leptospirosis.
01:27Para naman sa dengue, panatilihing malinis ang kapaligiran at siguruduhin walang mga lugar kung saan pwedeng pamugaran ang lamok.
01:34Para sa mga miyembrong may katanungan tukos sa kanilang mga benepisyo,
01:38maaaring tumawag sa 24-hour hotline ng PhilHealth sa mga numerong ito.
01:42Mala sa Quezon City para sa Integrated State Media General ng Philippine Information Agency.