Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Mga miyembro ng GSIS na nasa mga lugar na isinailalim sa state of calamity, pwedeng mag-avail ng emergency loan

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Handa na magbigay ng financial assistance ng GSIS sa mga miembro nitong apektado ng bagyo at baha.
00:06Alamin kung paano at saan ma-avail ang calamity loans sa report ni Denise Osorio.
00:12Patuloy ang pagkilos ng pamahalaan para tulungan ang mga apektadong Pilipino na makabangon mula sa epekto ng bagyo at habagat.
00:20Inanunsyo ng Department of Human Settlements and Urban Development o DISUD,
00:24kasama ang Social Housing Finance Corporation, National Housing Authority at National Home Mortgage Finance Corporation
00:32ang pagpapatupad ng one-month payment moratorium para sa mga benepisyarong na sa lantan ng baha.
00:39Kasabay nito, binuksan din ng pag-ibig fund ang kanilang calamity loan program sa buong bansa.
00:45Pwedeng umutang ang mga miembro ng hanggang 90% ng total savings, kasama na ang dividends at employer share.
00:52Kasama rin dito ang mga claims para sa nasirang bahay na sakop ng housing loan.
00:58Ayon kay DISUD Secretary Jose Ramon Aliling, bunsud ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:04na tulungan agad ang mga nasalanta para makabangon.
01:08Samantala, may agaw panahong tulong din mula sa Government Service Insurance System o GSIS.
01:14Pwede nang mag-avail ang emergency loan ang mga miyembro sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity tulad ng Quezon City, Cavite, Pangasinan at Bulacan.
01:25Makakautang ng hanggang 40,000 pesos ang mga may existing loan at 20,000 pesos naman sa mga first-time borrowers.
01:33Payable sa loob ng tatlong taon na may 6% interest at walang processing fee.
01:38Inaasahang palalawakin pa ito ng GSIS sa iba pang lugar na apektado ng kalamidad.
01:44At para sa mga taxpayers, ipinapaabot rin ng Bureau of Internal Revenue na pansamantalang i-extend ang deadline ng filing at pagbabayad ng buwis
01:53sa mga apektadong lugar sa Metro Manila, Luzon at Visayas.
01:58Itinakda sa July 31, 2025 o sa susunod na working day ang bagong deadline para sa filing at pagbabayad kung ito ay papatak sa holiday.
02:08Nais po nga ipabatid natin ng Bureau of Internal Revenue na tayo po ay maglalabas ng Revenue Memorandum Circular
02:14na magbibigay ng extension sa mga statutory deadlines ng filing ng tax returns,
02:20pagbabayad ng buwis at pagsusumiti ng mga kinakailangan dokumento.
02:24Para rin na makapag-ano rin sila, maasikaso nila yung kailangan nilang asikasuhin ngayong panahon ng kalamidad at pagbaha.
02:32Mula sa Integrated State Media, Denise Osorio ng PTV.

Recommended