00:00Hindi dapat tumaas ang presyo ng mga bilhin sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.
00:06Ito ang paalala ni Department of Energy Assistant Secretary Mario Marasigan sa mga negosyante,
00:12kabilang sa tinukoy ni Marasigan ng LPG o Liquefied Petroleum Gas
00:17na hindi dapat tumaas ang presyo sa loob ng 15 araw matapos maideklara ang state of calamity sa isang lugar.
00:27Samantala, iniulat naman ng Meralco na 1% ng kanilang mga customer ang nawala ng kuryente as of 4pm kahapon.
00:35Tiniyak naman ng Meralco na patuloy ang kanilang repair works sa mga nasirang poste.