00:00Alos buong Dagupan City ang lubog ngayon sa baha.
00:02Podcast sa pagulan dahil sa masamang panahon,
00:05nagpapabaha rin ang high tide.
00:08Kaya unang balita live si CJ Torida ng GMA Regional TV.
00:12CJ.
00:15Igan, nandito tayo ngayon sa Barangay Tapuak,
00:18isa sa mga lugar na binabaha sa Dagupan City.
00:24Nakatutok ang lokal na pamalaan ng Dagupan
00:27sa sitwasyon sa iba't ibang lugar sa lungsod
00:29na nakararanas ng baha.
00:31Ayon sa CDRRMO,
00:33halos lahat ng barangay ang nakararanas ng pagbaha.
00:36Punso dito ng walang humpay na pagulan,
00:38pagbaba ng tubig mula sa bundok at upland municipalities
00:41na sinasabayan pa ng high tide.
00:44Kaya kahapon, sumulat si Mayor Belen Fernandez
00:46sa Sangguneng Panlungsod upang i-deklara
00:48ang state of calamity sa Dagupan.
00:50Nakalagda ngayong araw ang special session ng konseho.
00:54Oras na i-deklara ang state of calamity,
00:56magagamit na ang emergency resources ng LGU
00:59upang tugunan ang mga pangangailangan
01:01ng mga apektado ng kalamidad.
01:04Kahapon, may mga pamilyang inilikas
01:05sa Dagupan City People's Astrodome
01:07mula sa barangay Lasib Grande at Pugot Chico.
01:10May mga evacue rin mula sa iba pang barangay.
01:12Sa buong Pangasinan, Igan, abot sa maygit 787 pamilya
01:18o katumbas ng maygit 2,463 individual
01:22ang inilikas base sa tala ng PDRRMO.
01:26Bukod sa Dagupan City, 13 pang bayan ang binaha.
01:29Base yan sa 5am data ng PDRRMO.
01:34Igan, wala pa rin pasok sa Dagupan ngayong araw
01:37at ng buong Pangasinan.
01:39Samantala, sa mga oras na ito, Igan,
01:41ay nakararanas tayo ng panakanakang pagambun
01:43dito sa lungsod ng Dagupan.
01:46Balik sa iyo, Igan.
01:47Maraming salamat, CJ Torida
01:49ng GMA Regional TV.
01:51Igan, mauna ka sa mga balita,
01:53mag-subscribe na sa GMA Integrated News
01:56sa YouTube para sa iba-ibang ulat
01:58sa ating bansa.
Comments