00:00Sarah Discaa
00:30Nang ilabas siya sa NBI headquarters sa Pasay, patungo sa tanggapan ng Office of the City Prosecutor sa Malabon.
00:38Ayon sa DOJ, humiling si Discaa na pansamantalang makalabas para makadalo sa pagdinig.
00:43Kaugnayan sa reklamo dahil sa walang permit na pagpapatayo ng barangay multipurpose building sa lupang pag-aari ng city government.
00:52Ayon sa Malabon LGU, na naghain ang reklamo nitong Nobyembre,
00:56itinuloy umano ni Discaa ang proyekto ng di kinokonsulta sa Malabon LGU.
01:01Nahaharap si Discaa sa reklamong paglabag sa National Building Code of the Philippines at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
01:10Tumanggi magkomento ang kampo ni Discaa.
01:13Ayon sa NBI, anumang oras ay pwedeng umalis si Discaa sa NBI dahil wala namang arrest warrant laban sa kanya.
01:20Noong December 9, kusang nagpunta si Discaa sa NBI matapos i-enunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na magkakaroon ng warrant laban sa kanya
01:29dahil sa kinakaharap ng mga kaso kaugnay sa ghost flood control projects sa Davao Occidental.
01:36Ang DOJ sinagot ang issue sa paggamit ng resources ng gobyerno sa pag-escort kay Discaa.
01:42The fact na her liberty is now being restrained despite the absence of a warrant of arrest means that the government is actually taking steps forward
01:50to be able to make sure that she or any person involved in these cases are held accountable.
01:56Wala pong preferential treatment.
01:58Iniharap din ang DOJ sa media ang 40 million pesos cash na isinuko ni dating DPWH NCR District Engineer Gerard Opulensia.
02:08Bahagi yan ng 150 million pesos na ibabalik niya sa gobyerno bilang bahagi ng kanyang pag-a-apply para sa witness protection program.
02:17Makatutulong daw si Opulensia para patibayin ang mga kaso kaugnay sa mga flood control projects sa Bulacan.
02:24Lumabas po sa mga pag-uusisa ng ating prosecutors na isang elemento o isang bahagi sa mga may kinalaman at may nalalaman sa mga transaksyon na ito
02:36ay si Engineer Opulensia. Kaya sa pag-uusisa po natin na makakatulong ang kanyang testimonya para mapatibay ang kaso ng ating estado.
02:46Kasama si Opulensia sa mga pinakakasuhan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
02:52Batay sa testimonya ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, si Opulensia ang naganda ng lista ng mga proyektong pwedeng i-alok sa ilang senador.
03:03Taga-collecta rin umano siya ng kickback. Pero paglilinaw ng DOJ, ang perang ibinalik ni Opulensia ay mula umano sa iba pang proyekto ng DPWH.
03:13Actually, yung kanyang testimonya ay patungkol sa mga kaso na nangyari sa Bulacan.
03:21Pero yung pagsasauli ng pera ay base doon sa mga transaksyon na iba na kinasangkutan niya nung siya ay nasa NCR pa.
03:30At yun ang pinagbasihan ng pagsasauli.
03:32May provisional admission din si Opulensia sa WPP gaya ni Bernardo at didating DPWH District Engineer Henry Alcantara na nauna nang nagsauuli ng P110 million peso sa gobyerno.
03:46Ito ang unang balita. Sandra Aguinaldo para sa GMA Integrated News.
03:52Igan, mauna ka sa mga balita. Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
04:00Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.
Comments