00:00Nabigla ang ilang mga residente ng isang barangay si Rodriguez Rizal matapos magsimulang tumaas ang tubig bahas sa kanilang lugar.
00:09Ang ilan nga sa kanila lumikas na sa mga evacuation center.
00:13May update ngayon doon si JM Pineda ng PTV Live.
00:17JM.
00:20Naomi, ilang mga pamilya na nga ang nagsisimulang umuwi sa kanilang mga bahay dito sa barangay Burgos sa Rodriguez Rizal
00:27matapos humuupa na yung baha sa ilang mga parte ng barangay, particular na nga sa Estrella Home subdivision.
00:33Pero may mga ilang pamilya pa rin ang nanatili dito at nagmumonitor ng panahon dahil posibleng pangaring umulan at panakanaka pa rin ang ulan dito sa probinsya.
00:45Bandang alas 7 ng umaga, lubog pa din sa baha ang ilang bahagi ng barangay Burgos Rodriguez Rizal.
00:52Halos bewang pa ang taas nito at ang ilang mga residente, pinipilit na lang lusungin ang mataas na baha para makalabas ng kanilang bahay at makabili ng mga pangangailangan.
01:02Dala ang kanilang payong, kapote at bota. Walang takot na nilang nilalakad ang tila ilog na ito.
01:08Kahapon pa, nagsimulang tumahas ang baha sa lugar.
01:10Nabigla ang ilang mga residente, kaya ang ilan sa kanila ay lumikas agad at pumunta sa evacuation center sa barangay Burgos Covered Court.
01:17Dito na rin sila nagpalipas ng gabi habang di pa humuhupa ang baha.
01:21Pero ang ilan sa mga residente ang nakatira sa Australia Homes sa second floor ng kanilang bahay na lang nanatili para hindi na lumikas.
01:29Nang bumalik ang PTV News sa lugar na nasabi, pasado alas 10 kaninang umaga, wala ng tubig baha sa lugar.
01:37Nalalakaran na rin ang mga kalsada at nakakapasok na rin ang mga sasakyana.
01:41Nagsimula namang maglinis ang mga residente sa kanilang mga bahay.
01:44Ayon pa sa mga residente, normal na para sa kanila ang ganitong sitwasyon.
01:51Palagi, bakit na malakad lang ang ulan. Palagi ganito.
01:54Ang mga gamit na akat sa taas ang makaya. Ang hindi makaya, diyan lang sa baba.
01:58Linis na. Linis na mula sa taas.
02:00Akat na nandito.
02:01Nangangamba naman ang pamilya ni Jerwi na nakatira sa tabi ng Wawa River sa barangay San Rafael Rodriguez, Rizala.
02:16Sariwa pa kasi sa kanilang alaala ang hagupit ng bagyong Ulysses noong 2020.
02:22Nilamo ng tubig baha ang kanilang bahay nang tumaas ang level ng tubig sa Wawa River.
02:26Yung Ulysses po talagang washout po talaga to. Yun po talaga yung inakatakot namin mangyari na huwag na sana maulit.
02:34Yung bagyong Ulysses po kasi talagang washout po talaga to. Grabe po yung pagkaano sa amin dito ng Ulysses.
02:40Kahapon naman o, inihanda na rin nila ang kanilang gamit at iniyakyat ang mga appliances at kutsun.
02:52Bahagya kasing tumaas ang level ng tubig sa Wawa River.
02:55Ngayon-misa ngayon nga ay nandito pa rin yung ilang mga pamilya sa evacuation center.
03:01At kaninang umaga nga, bandang mga alas 11, pumunta dito si DSWD Secretary Rex Gatsalian, pati na rin si DILG Secretary John Vic Rimulia
03:09para personal na bigyan ng ayuda o bigyan ng family food packs yung mga residenteng nandito na naapektuan ng pagbaha.
03:17Parte nga yan ng kanilang advokasya o parte na kanilang misyon na mabigyan ng tamang tulong
03:23ang mga residenteng na naapektuan ng pagbaha dahil sa abagat at sa ilang bagyong dumating dito sa bansa.
03:29Yan muna ang latest. Balik sa iyo, Luis. Balik sa iyo, Naomi.
03:32Makaming salamat, J.M. Pineda ng PTV.