00:00Pag-monitor sa mga rehiyong nasa lanta ng bagyo o ng masamang panahon mas pinahigting pa ng Department of Agriculture,
00:06pagkaantala sa pagkatanim at pagkalugis sa mga biyahe ng mga produkto kabilang sa mga hamong kinakarap na mga magsasaka.
00:14My report si Vel Custodio.
00:18Patuloy ang pag-monitor ng Department of Agriculture sa epekto ng bagyong krisig sa mga pananim sa mga tinahang nitong rehiyon sa bansa.
00:26Kabilang dito ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Western Visayas na may kabuoang mahigit 700 ektarya ng palayan at maisan.
00:56Yung sa fishery, fish stocks.
01:00Nakapagtala lamang ng P30,000 initial loss ang disaster risk reduction and management ng DA mula sa 20 ektarya ng palayan sa Negros Occidental noong biyernes.
01:10Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnold de Mesa,
01:14nasa vegetative stage pa lang ang 90% ng mga pananim kaya hindi pa dapat malaki ang magiging pinsala ng bagyo sa sektor na agrikultura.
01:21Kaugnay nito, sinabi naman ng samahang industriya ng agrikultura o sinag na walang dahilan para itaas ang presyo ng kulay sa merkado.
01:29Nakapag-ani naman na raw kasi ang karamihan ng mga magsasaka o kaya naman magsisimula pa lang silang magtanim nang pumasok ang pagyong krisig.
01:37Tanging sa pagbiyahe lamang ng gulay na ihirapan ang mga traders o byahero kaya humihiling ang grupo na assistance sa mga local government units para sa pag-transport ng mga ani.
01:47Ayon naman kay De Mesa, wala dapat ipangamba sa supply ng bigas dahil mataas ang stock inventory ng bigas sa local at imported.
01:55Kung sakaling kailangan ng agarang tulong para sa mga magsasaka at manging isda na apektado ng kalamidad,
02:01laging nakaabang ang Quick Response Fund ng DA, Survival and Recovery Loan Program at Philippine Crop Insurance Corporation para sa mga registered at insured farmers.
02:11Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.