00:00Samantala nakaranas po ng pagbaha ang ilang lugar sa Metro Manila
00:03dahil sa walang patid na pagulan mula pa kaninang madaling araw.
00:07Ang resulta, matinding traffic.
00:10Mag namang nagkansila ang klase ang ilang eskulahan.
00:13Ang update niya, alamin sa Sentro Balita ni J.M. Pineda Live.
00:17J.M.
00:20Ryan, kaninang madaling araw pa nga lang
00:22ng nakaranas ng pagulan dito sa Kamanava area
00:25at ilang mga LGO nga dito ay nagdeklara na rin ng walang klase para sa mga estudyante.
00:33Pero, yun nga, nagresulta ng gathered deep na baha ang matinding pagulan kanina pang madaling araw.
00:42Sa pagigot ng PTV News, sa ilang bahagi ng Kaloocan, Malavon, Nabotas at Balinsuela,
00:47maraming mga lugar ang inabot ng mabigat na daloy ng trafico dahil na rin sa walang tigil na ulan.
00:51Ang ilang mga motrista, nakakapoti na at para maiwas na rin sa mabasa ng ulan.
00:56Unang nagdeklara ng walang pasok ang Balinsuela City mula kindergarten hanggang senior high school.
01:02May ilang mga lugar din sa Balinsuela.
01:04Ang inabot ng gather deep na baha, particular na sa dalandanan sa MacArthur Highway.
01:09Humuparin ang baha dito matapos ang ilang oras.
01:12Alas 9 naman ang umaga nang ikansila ng Malavon City ang klase ng mga panghapon sa lahat ng antas sa kanilang lugar.
01:18Mapapong publiko o pribadong paaralan man yan.
01:21Nagbigay naman ng LGU ng libring sakay sa mga sudyante at pasahero na inabot ng malakas na ulan sa daan.
01:27Bandang alas 10 nang magdeklara naman ang Kalawakan City ng walang pasok mula kindergarten hanggang senior high school.
01:34Sa Nabotas City naman, nananatili na mababa pa rin ang level ng tubig sa Nabotas River.
01:39Kaya raya ng ilang mga residente na malapit sa gumuhong river wall.
01:42Gaya ni John ay kampante pa rin.
01:45Pero alerto naman daw sila kung sakaling magbigaya ng abiso ang Nabotas LGU sa posibleng pag-angat ng tubig sa ilog.
01:52Kung mangyari daw kasi ito, halos gadibdib ang inaabot ng baha sa kanilang lugar.
01:56Wala pa naman po kasi mababa po talaga yung tubig.
02:01Kung sakaling mag-high tide.
02:03Ayun po to sabay ng ulan, yun talaga malaki tubig nun.
02:07Nakaraan kasi ano eh, yung bagyo po nakaraan, ayun po, hanggang leeg din po tubig dyan.
02:13Opo, hindi ka makapasok.
02:14Kasi ano yun, hanggang dito po sa amin sa looban, hanggang leeg.
02:17Pag talagin po dun sa gitna, mangang dito naman po.
02:20Dito po talaga yung malalim eh.
02:21Kagabi naman, sinimulan na rin ang pag-aayos sa nasirang river wall.
02:27Naabutan ng PTV News na may semento at nakapatong na muli na hollow block sa lugar.
02:33Ito na ngayon na magsisilbing harang sa mga kabahayan pati na sa ilog.
02:36Kung sakali mang umangat ang tubig o mag-high tide.
02:41Ryan, sa ngayon nga ay paambon-ambon na lang yung panahon dito sa Nabotas City.
02:45Pero yung ilang mga nakausap natin mga residente, especially mga sodyante,
02:49pinili na lang hindi pumasok sa kanilang paaralan.
02:53Kasi nga hindi rin nag-declare ang Nabotas City ng walang klase ngayong araw.
02:57Dahil may dilabas din silang advisory kung kailan nga ba dapat mag-de-declare ng walang pasok.
03:03Sa ngayon kasi ay yellow rainfall warning pa sila.
03:06At tanging koordinasyon lamang sa MDR-RMO ang kanilang ginagawa.
03:10Kung sakali mang tumaas ng tubig sa Nabotas River o magkaroon ng pagbaha sa kanilang lugar.
03:14Kaya naman yung ilang mga sodyante, noong nakausap natin sila, pinili na lang huwag pumasok para mas ligtas sila sa kanilang bahay.
03:20Yan muna ang latest. Balik sa iyo, Ryan.
03:22Maraming salamat, J.M. Pineda.