Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
Tatlong taon na sa puwesto si Pangulong Bongbong Marcos - kalahati ng kanyang termino. Kaya bago ang kanyang ika-4 na State of the Nation Address babalikan natin ang ilan sa mga pangako niya sa mga nakaraang ulat sa bayan. Unahin natin ang pagtutok ng Marcos Administration sa edukasyon. Ang mga classroom, kapos na ng mahigit 160,000 na aabutin ng limang dekada bago masolusyunan ayon mismo sa DepEd.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00PANGULONG BONGBONG MARCOS
00:30PANGULONG BONGBONGBONG BONGBONGDONE
01:00FrIGORAL
01:04Sa mga araw na gipit ang pamilya, pumapasok si Mikey nang hindi nag-aalmusal.
01:11Kahit gutom, pursigidong mag-aral ang siyam na taong gulang na grade 4 student.
01:16Kasi po, sabi po ni Mama, kailangan ko daw po matapos ang pag-aaral po.
01:20Para po matupad po lahat yung pangapang-aral po po.
01:23Ang pangarap ni Mikey, ipinaglalaban niya sa isang makeshift classroom
01:28na isiningit sa espasyo sa exit gate ng Kalugkob Elementary School sa Naikavite.
01:36Manipis na pader lang ang pagitan, highway na.
01:40At dahil kauulan lang, basa ang sahig.
01:44Kasama niya rito ang limampusyam na iba pang estudyante.
01:48Bakit nahihirapan kang matupo?
01:50Ang niingay po, may mga nadaan po, mga lakas po na tunog.
01:56Para po silang nagbobomba.
01:59So hindi mo lang marinig sa teacher?
02:00Hindi na po.
02:02Mula 700 na estudyante noong 2018,
02:05lumobo sa higit 1,800 ang student population ng paaralan
02:09na may apat na classroom lang
02:11nang buksan ang housing resettlement project sa Naik.
02:14Ang sabi sa amin, ay tanggapin ang mga bagong dating ng mga estudyante.
02:21Tulad sa maraming iba pang paaralan sa bansa,
02:24para-paraan na lang.
02:26Dito sa Kalugkob Elementary School,
02:28bukod sa mga makeshift classroom,
02:30ginamit na ang labing isang housing unit sa resettlement project
02:33para sa grade 1 hanggang 3.
02:35Sa classroom na ito, ang ratio ay 1 is to 60.
02:39Sa lagay na yan, nabawasan na raw ang bilang ng mga estudyante.
02:42Kaya hindi naman daw nakapagtataka kung hirap matuto ang ilan sa mga estudyante
02:47dahil sa sitwasyon ng kanilang silid-aralan.
02:51Sa mga naunang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos,
02:55idiniin niya ang kahalagahan ng inclusive education.
02:58Dapat daw, may akses ang lahat sa dekalidad na edukasyon
03:02at ang patuloy na pag-aayos ng mga pasilidad.
03:05The condition and availability of schoolrooms for our students must also be addressed.
03:12Sa kasalukuyan, 165,000 ang classroom shortage.
03:16Pinakamalala sa Metro Manila, Calabarzon at Barm.
03:20Halos triple yan kumpara sa bilang ng kakulangan sa mga silid-aralan noong 2013.
03:26Sa pag-aaral ng 2nd Congressional Commission on Education o EDCOM 2,
03:30nagdudulot ito ng congestion o ratio na 1 is to 50 o isang classroom
03:35sa bawat 50 estudyante o higit pa.
03:39Lumala ito sa mga lugar na may resettlement project ng National Housing Authority
03:43na itinayo ng walang kasabay na mga paaralan o dagdag na classroom
03:48tulad sa Kalubkog Elementary School.
03:50May mga 58 housing projects.
03:53So, libo-libong bata lumilipat sa isang lugar,
03:56dagsabigla, hindi kaya ng school,
03:59biglang nagkakaroon ng multi-shift, apektado yung pagkatuto.
04:02Pinakamalala ang siksikan sa elementarya
04:06kung kailan dapat matutunang magbasa at umintindi ang estudyante.
04:11Dahil sa sitwasyon sa loob ng mga silid-aralan,
04:14aminado ang Department of Education.
04:16Marami sa ating kabataan, hirap magbasa at magbilang.
04:20Malaki yung impact nun, Maki,
04:22kasi yung grade 3 na hindi nakabasa ng letra
04:25at nag-transition sa grade 4,
04:28it's almost irreversible.
04:29Because in reading, you rely on sight,
04:32you rely on sound,
04:33you rely on hearing.
04:35So, hindi pa pwedeng siksikan kayo.
04:38Ayon sa Philippine Statistics Authority,
04:40batay sa 2024 Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey,
04:45nasa 19 milyon ng edad 10 hanggang 64
04:48ang literate but not functionally literate
04:51dahil sa kakulangan ng comprehension skill.
04:53Kabilang sa mga not functionally literate,
04:56ang mga basically literate
04:58o yung nakakabasa, nakakasulat,
05:00at nakakapag-compute,
05:01low literate o nakakabasa at nakakasulat,
05:04at illiterate o hindi nakakabasa at nakakasulat.
05:08Sa naunang pahayag ni Education Secretary Sonny Anggara,
05:11posibleng abuti ng mahigit limang dekada
05:14bago matuldukan ang kakulangan sa mga silid-aralan.
05:17Gusto sana naming itanong sa Department of Education
05:28kung ilan na ang napatayong mga classroom
05:30sa ilalim ng Administrasyong Marcos,
05:33pero hindi sila nagbigay ng panayam kaugnay nito.
05:36Back to basic ang panukala ng EDCOM 2.
05:39Kung matindi pa rin ang kakulangan,
05:41dapat ihabol ang mga estudyanteng
05:42hindi pa rin makapagbasa o makaintindi.
05:45Kaya sinimulan na ng DepEd ang Remediation Program.
05:48Pagkatapos ang klase,
05:50tuturuan ang mga estudyanteng hirap sa pagbasa.
05:53Magtutuloy ito ngayong taon
05:55sa ilalim ng aral program.
05:57Noong nakaraang taon,
05:58sa 60,000 sa mga estudyanteng nakitaan ng kahinaan,
06:01nasa 2,000 na lang ang kailangang ihabol
06:03matapos sumailalim sa Remediation Program.
06:09Sa FBR Phase 3 Elementary School sa Norzagaray, Bulacan,
06:12naihabol nila ang lahat ng mga grade 3 student
06:15na hirap magbasa.
06:17Isa rito, si Catriona.
06:18Naihiya po ako sa sarili ko kasi po.
06:22Anong grade 3?
06:23Kung hindi pa po ako magbasa,
06:25paano ka nila nila?
06:27Sabi nila po,
06:29ay, maraming magbasa.
06:31Ano ginagawa mo lang?
06:34Pagkasinasabi nila yun,
06:36naihiya ko lang po ako.
06:39Pagkatapos ng Remediation Program,
06:41Nakakapagbasa na po ako.
06:43Kaya po,
06:43sayo po ako kasi po
06:45pag may pinatanong po si ma'am,
06:47natatas na po ako ng kamay.
06:50Bahagyang tumaas ang pondo para sa edukasyon.
06:53Pero sabi ng EDCOM 2,
06:54ito'y dahil sa senior high school
06:56at higher education.
06:57Yung pagtaas natin,
06:58sapat lang
06:59para talagang mapantay.
07:02Pero,
07:02sapat ba siya para mapagbuti?
07:04Lalo na sa kinder to grade 3?
07:06Hindi.
07:08Umaabot ng tatlo hanggang limang taon
07:10ang pagpapagawa ng DPWH
07:12ng school building.
07:13Yan ay kung may espasyo
07:14na kalimitang problema
07:15sa mga paaralan sa Metro Manila.
07:17Gusto ng DepEd
07:18na kumontrata na
07:19ng pribadong sektor.
07:21Para sa EDCOM 2,
07:22pwede rin voucher program
07:23para makapag-enroll
07:24ang mga estudyante
07:25sa mga pribadong eskwelahan.
07:27Sana raw,
07:28tumulong na rin
07:29ang mga lokal na pamahalaan.
07:30Kailangan maging innovative eh.
07:32So,
07:33if we just rely on the GAA,
07:35yung national budget natin
07:36na yearly basis.
07:38Baka hindi kayanin
07:39yung 165
07:40for probably the next 3 years.
07:42But there are other innovations
07:43that being undertaken.
07:46Patong-patong
07:47ang problema
07:48sa sektor ng edukasyon.
07:49Resulta,
07:50ayon sa ilang eksperto,
07:52ng ilang dekadang kapabayaan
07:53at kakulangan sa budget.
07:55Kailangan daw harapin ng tama
07:57ang krisis sa edukasyon
07:58dahil ang mga batang
07:59hindi gaanong natuto sa paaralan
08:01ang mga susunod na workforce
08:03ng bansa.
08:04Para sa GMA Integrated News,
08:07Maki Pulido na Katutok,
08:0824 Oras.

Recommended