00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Iba pang may init na balita sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Pansamantalang isinara sa mga motorista ang Longlong Tamawan Road sa Baguio City
00:15dahil sa gumuhong bahagi ng isang bundok.
00:18Chris, may nadamay ba sa insidente?
00:23Rafi, mabuti na lang at walang natabunan o nasaktan sa rock slide
00:27sa gitna ng pananalasa ng bagyong krising at habagat.
00:30Ayon sa mga otoridad, sinakop ng buho ang buong kalsada.
00:34Inumpisa na rin ang clearing operations doon pero matatagalan daw dahil sa kapal ng lupa at bato.
00:40Pinapayuhan nila ang mga motorista na dumaan muna sa alternatibong kalsada upang hindi maabala ang kanilang biyahe.
00:47Sa Kayapa, Nueva Vizcaya naman, isinara sa mga motorista ang bahagi ng Nueva Vizcaya-Benguet National Road dahil din sa landslide.
00:55Inabot ng halos limang oras ang clearing operations sa junction Kayapa-Proper-Oyawe section.
01:02Nadaraan na ngayon ang kalsada.
Comments