00:00Tinangayang isang taong gulang na bata sa Quezon City, ang suspect kapwa street dweller ng kanyang mga magulang.
00:07Na-arresto ang suspect kalaunan pero nawawala pa rin ang bata.
00:12Balitang hatid ni James Agustin.
00:16Sobrang bigat, sobrang hirap na po ng ano namin, sir.
00:20Ang bigat na sa pakaroon namin, sir, hindi na namin alam kung nasan yung anak namin.
00:27Nakakain ba siya ng maayos?
00:29Ilang araw nang walang maayos na tulog at kain si Melvin dahil hindi pa rin nila nahahanap pang isang taon at pitong buwang gulang niyang anak na babae na si Kiana Jane.
00:38Ang bata, tinangay ng kapwa nila street dweller sa barangay San Bartolome, Quezon City.
00:43Sa kuha ng CCTV noong December 10, kita na lumabas sa isang convenience store ang babaeng sospe karga ang bata.
00:50Kwento ni Melvin, doon sila rumarakit sa lugar.
00:52Sa pumamagitan ng pagbubukas ng pinto para sa mga customer, dalawang linggo pa lang daw nila kakilala ang sospe.
00:58Mag-aanda na kami ng dapat kakainin namin.
01:04Nag-offer po itong sospek, sir, na siya na po daw sasagot sa ulam namin.
01:09Siyempre bilang, ano, minus gasto, sir, pumayag kami, sir.
01:13Siguro po mga 10 minutes, sir, hindi pa siya bumabalik, kinabahan na kami, sir.
01:17Yung misis ko, agad na naghanap.
01:22Dumulog sila sa barangay at pulisya para i-report ang insidente.
01:26Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon na may nakakita sa sospek na namamalimus kasama ang bata.
01:32Nang puntahan, bigo sila noong una na matuntun ang sospek.
01:35Hanggang sa balikan na nila ang convenience store.
01:37At doon, naarestong 20 anyo sa sospek habang nakatambay.
01:41Based po ito sa information ng mga magulang dahil kilala rin po nila personally yung sospek.
01:49And kaya naman po namin nahanap to is based na rin po sa mga informant po natin
01:54na nagturo po kung saan po palagi naglalagi itong sospek po natin.
02:00Walang payag ang sospek na nakakulong sa Novaliches Police Station.
02:04Sinampanan siya ng reklamong paglabag sa Republic Act 7610
02:07o Child Abuse Exploitation in relation to Article 270 na Revised Penal Code
02:13o Kidnapping and Failure to Return a Minor.
02:16Patuloy pang hinahanap ng pulisya ang nawawalang bata.
02:19Nagbaback tracking na rin po tayo regarding po dyan sa mga CCTVs
02:23and also we already coordinated with the other police stations and barangays.
02:30Sa ngayon, tanging dasal, ilang larawan at video ng huling sandaling magkasama sila ng kanyang anak
02:35ang pinanghahawakan ni Melvin.
02:38Baka po makikita niyo yung anak ko.
02:41Pagbigay, alam niyo naman po kagad sa amin.
02:44James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments