00:00Samantala, inihain sa Senado ang panukalang ibaba sa sampo ang age of criminal liability dahil nasasangkot ang ilang minorde-edad sa mga krimen.
00:09Para sa Council for the Welfare of Children, dapat munang tugunan ang mga dahilan kung bakit nasasangkot sa krimen ang mga bata sa halip na ipakulong sila agad.
00:19Ngayon ang balita si Maki Polido.
00:20Nitong Marso sa Paranaque na matay sa saksak sa loob ng classroom ang isang babaeng grade 8 student.
00:30Kaklaseng lalaki ang suspect. Pareho silang edad labing apat.
00:34Kamakailan, ninakawan at tinadtad ng saksak ang isang babaeng edad labing siyam sa Tagum City.
00:40Nahuli na ang apat na suspect kabilang ang tatlong minor de edad.
00:43Sa datos ng PNP Women and Children Protection Center, sa unang anim na buwan ng 2025,
00:49mahigit dalawat kalahating libo ang mga kasong sangkot ang mga CICL o Children in Conflict with the Law.
00:56Sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006,
01:00ang mga kabataan edad labing lima pababa, walang criminal liability o hindi maaaring kasuhan o ikulong.
01:06Sa ilalim naman ng Republic Act 10630, itinakda sa 15 to 17 years old ang discernment rule o pagkaunawa sa ginawa.
01:15Pero si Sen. Robin Padilla naghahain ng panukala para itakda na may criminal liability na rin ang batang 10 years old.
01:22Ito'y kung sangkot ang bata sa heinous crime o karumaldumal na krimen tulad ng pagpatay, rape, kidnapping,
01:30serious illegal detention kung saan pinatay o ginahasa ang biktima, robbery with homicide or rape,
01:36carnapping kung saan pinatay o ginahasa ang biktima, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
01:42Paliwanag ng Council for the Welfare of Children, hindi totoong walang parusa ang mga batang sangkot sa mga karumaldumal na krimen.
01:49Mandatory na ipapasok ang Child in Conflict with the Law sa Youth Care Facility o Bahay Pag-asa
01:55para matulungan ang kanyang rehabilitasyon, particular sa edad 12 hanggang 15.
02:01Nasa batas din na sa kaso ng CICL mamamagitan ang mga social worker ng DSWD.
02:07Dapat i-turn over sa kanila mga magulang, kaanak o guardian, at sa sa ilalim sa Community Based Intervention Program.
02:14Maliba na lang kung sa assessment ng social worker, kailangang dalhin ang bata sa isang youth care facility.
02:20Korte ang magdedesisyon sa ihahaing petisyon ng DSWD para sa involuntary commitment ng bata na hindi bababa sa isang taon.
02:28Paano pag hindi na naman nagbago, ibabalik po siya ulit sa korte.
02:34Sasabihin ng korte dito, after ng dalawang tsansa o mahigit pang tsansa ang binigay sa'yo,
02:39mukhang hindi ka talaga na-rehabilitate, dun po yung i-execute na po yung judgment ng korte.
02:45So kali po na walang criminal liability, may proseso lang kung pinagdadaan.
02:50Masyado raw simple ang pagtingin sa komplikadong problema ang pagbaba ng edad ng criminal liability.
02:56Hindi raw yan ang solusyon sa kalimitang ugat ng problema na matinding kahirapan at problema sa pamilya.
03:02We have to address poverty and underdevelopment. We have to support the family.
03:07Yung mga bata po na ito, dahil po hindi pa buuang isip nila, sila po ay biktima rin.
03:13Ang ilan sa mga nakausap namin, pabor sa panukala.
03:16May isip po ng mga ibang kabataan na hindi na sila gagawa ng gano'n kasi nakasuha na nga at saka mali din talaga yung mga gawain gano'n.
03:27Matatakot na yung mga bata. Kasama magulang at saka yung bata, kakasuhan na rin.
03:33Sabi ng iba, sana may angkup lang na parusa dahil masyado pang murang edad na sampung taong gulang.
03:39Pwede po yung nanay din o yung magulang pero may proper punishment din po na pwedeng maibigay sa bata para mas matutukan and makorek pa po sila at that young age po.
03:52Napapabayaan, kaya kung minsan po ang bata maagang naliligaw, alamin po muna kung ano po yung pinagdadaanan ng bata.
04:02Ito ang unang balita, Mackie Pulido para sa GMA Integrated News.
04:06Sabi ng Kabataan Party List, wala namang epekto ang pagpapakulong sa mga bata kung mananatining malaya ang mga Anilay mastermind at bad influence.
04:17At kung umiiral ang krisis na Anilay nagtutulak sa mga bata na gumawa ng krimen.
04:22Ang dapat daw tutukan ay nakabubuhay na sahod para sa bawat pamilya.
04:27Gayun din ang dekalidad at abot kayang edukasyon ng mga bata para raw lumaki silang may pagmamahal sa bayan at sa kapwa Pilipino.
04:35Gusto mo bang mauna sa mga balita?
04:38Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments