00:00Matinding init ng panahon ang nararanasan ngayon sa ilang bahagi ng Amerika.
00:06Batay sa ulat, umabot sa 103 degree Fahrenheit ang init sa ilang bahagi ng East Coast gaya ng New Jersey at Philadelphia,
00:16habang 99 degree Fahrenheit naman sa New York City, ang pinaka mainit umanong temperatura sa lungsod mula 2012.
00:24Nagdulot ito ng blackout sa Bronx at pagpapatigil pansamantala sa mga pasyalan tulad ng Washington Monument.
00:32Nagbabala ang National Weather Service sa epekto ng extremely dangerous heat.
00:38Ayon sa mga eksperto, dulot ito ng heat dome at lumalalang epekto ng climate change.
00:46Patay na nang matagpuan ng Indonesian Rescue Team ang Brazilian tourist na si Juliana Marins.
00:53Matapos mahulog sa bangin sa Mount Rijani sa Indonesia, apat na araw siyang pinagahanap gamit ang drone at thermal imaging.
01:01Natagpuan ang kanyang katawan malapit sa bunganga ng nasabing bulkan.
01:06Dahil sa masamang panahon at delikadong daan, ilang beses umanong naantala ang pagligtas noon kay Marins.
01:14Nagpaabot ng pakikiramay si President Luis Inacio Lula da Silva at nangakong tutulungan ang pamilya ni Marins.
01:23Sa South Korea, kasabay ng pagtatapos ng military training ng isa sa miyembro ng Korean K-pop band na BTS.
01:30Usap-usapan ngayon ang pagdodonate ni BTS member Suga ng 5 billion Korean won sa Yonsei Severance Hospital
01:39para sa pagpapatayo ng Treatment Center for Autism Children.
01:43Ito naan nila ang pinakamalaking donasyon mula sa isang K-pop idol.
01:47Bago ito, 6 na buwan rin nag-volunteer si Suga sa Severance Hospital para magturo ng music lesson sa mga batang may special needs.
01:58Joyce Salamatin para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.