00:00Positive ang naging resulta ng kampanya ng Bureau of Internal Revenue para sa pagbabayad ng tamang buwis,
00:06kung kaya't mas malaki ang naging koleksyon noong nakarang taon kumpara sa taong 2023.
00:11Narito pong report.
00:15Puspusan ng Bureau of Internal Revenue sa kanila mga ginagawang hakbang para makamit ang taon ng target sa kanilang koleksyon sa buwis para sa taong 2024 at ngayon 2025.
00:24Kasabay ito, nanakatakdang deadline sa April 15 para sa pagbabayad ng annual income tax return.
00:28Ayon kay BIR Commissioner Atty. Romeo Lumagi Jr., maganda ang naging resulta ng kanilang kampanya para sa pagbabayad ng tamang buwis,
00:36kung kaya't mas malaki ang kanila na kolekta noong nakaraang 2024 kumpara sa taong 2023.
00:41Patuloy din ang ginagawa namin mga webinars para naman na matutukan at mapaliwanag sa ating mga kababayan
00:47ang tamang pag-profile at pagbabayad ng buwis na sinabi rin natin na hindi na kailangan hintayin pa ang April 15.
00:56Kaya naman maraming nakapag-file na at maraming nakapagbayad.
01:01Kaya naman maganda ang takbo ng ating koleksyon ng unang mga buwan ng taon na ito.
01:07Kaugnay nito, patuloy din ang pagsisikap ng ahensya para mas mapadali pa ang proseso.
01:12Kung saan hindi katulad ng dati, ngayon ay hindi na kailangan pumunta sa mga tanggapan at opisina para magbayad ng buwis.
01:17Sa halip ay maaari nang gawin online sa pamamagitan ng kanilang official website at accredited payment channels.
01:22Kung wala namang kakayaan online, maaari naman magtungo sa kanilang tax assistance centers at district office
01:27para magabayan ng kanilang mga tauhan electronically.
01:30Bahagihan niya ito ng pagpapahusay ng kanilang koleksyon sa pamamagitan ng digital transformation at ease of paying taxes law
01:37habang napapanatili ang integridad at profesionalismo ng mga servisyo at kawanin ng kanilang ahensya.
01:42Sa ngayon, nais ng BIR na malampasan ang ibinigay sa kanila na mahigit 3 trillion pieces na collection target
01:48upang makatulong sa gobyerno na matiyak na mapupondohan ng mga proyekto tulad sa infrastruktura,
01:53pagpapabot ng tulong sa mga mamayana at iba pa.
01:56Ang target po na naiatas po sa atin, ang total po niyan ay nasa 3.23 trillion pesos for 2025.
02:04Kaya mataas-taas po, kaya kinakailangan po talaga natin tutukan ang pangungulekta ng buwis.
02:09Makakaasa po tayo na talagang pagpubutihing po natin ang trabaho natin para lagi po sana natin makamit ang ganitong target.
02:17Nagpaalala naman ng BIR na maliban sa kasong kriminal ay may kaakibat na multa na 12% interest at 25% surcharge
02:24para sa mga hindi makakapagbayad ng buwis sa itinak ng deadline.
02:28Mula PTV, Josh Garcia para sa Balitang Pambansa.
Be the first to comment