00:00Biligyan din ang Malacanang na hindi isusuko ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:06ang soberania at karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
00:10Sagot yan ang Malacanang sa pahayag ng China na
00:12Piece of Waste Paper o Popel na dapat ibasura ang 2016 Arbitral Ruling.
00:21Si Harley Valbuena sa detalye.
00:26Isang tagumpay po na mapaalam sa buong mundo.
00:30Kung ano ang ipinaglalaban natin at kung ano ang para sa Pilipinas at para sa taong bayan.
00:35Muli ang Pangulo hindi isusuko ang soberania,
00:40ang karapatan ng bansa at ang taong bayan kahit kanina pa man.
00:46Yan ang restback ng Malacanang sa patutsada ng China
00:49na Piece of Waste Paper o Popel na dapat ibasura ang 2016 Arbitral Ruling.
00:55Nitong July 12 lamang nang ipagdiwang ang ikasyam na anibersaryo
01:00ng pagkapanalo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
01:04Ito ang pagpabor ng Permanent Court of Arbitration sa ating bansa
01:07laban sa 9-line claim ng China sa South China Sea.
01:12Sinabi ng International Tribunal,
01:14walang legal na basihan ang pagangkin ng Beijing sa halos buong karagatan.
01:19Kinilala rin ang karapatan ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone.
01:24Binabantayan ng Philippine Coast Guard
01:25ang mga namataang barkong pandigma at coast guard vessel ng China
01:30na ispatan ang mga sasakyang pandagat
01:33sa layong 69 nautical miles sa Cabra Island, Occidental Mindoro.
01:39Nasa loob yan ang Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
01:43Una nang sinabi ng DFA,
01:44ang pagkabahala sa hindi pagsunod ng China sa Arbitral Ruling
01:48at maging sa pambabraso nito sa West Philippine Sea.
01:51Nanindigan naman si Defense Secretary Gilberto Teodoro
01:55na ang pagdepensa sa soberanya ng Pilipinas
01:58ay hindi pagsisimula ng gulo.
02:01Sabi naman ni National Security Advisor Eduardo Año,
02:04hindi mabubura ang anumang uri ng pananakot at misinformation
02:08ang visa ng Arbitral Ruling.
02:11Sa ilalim ng Marcos Administration,
02:13kasama ang kapangyarihan ng international law,
02:16hindi aatras ang Pilipinas para sa laban sa soberanya sa West Philippine Sea.
02:22Hinikayat ng palasyo na makiisa ang publiko sa pagtindig sa West Philippine Sea.
02:27Dapat po tayo ay nagkakaisang ipaglaban kung anong meron tayo.
02:33Manatili po tayo maging pro-Philippines.
02:35Harley Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.