00:00Samantala, DepEd naglatag ng Learning Continuity Plan para tiyakin tuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga estudyante sa kabila ng masamang panahon.
00:08May report si Kenneth Pasyente.
00:12Ngayong balik-honyo na ang pagsisimula ng klase ng mga pampublikong paaralan,
00:17hamon muli sa mga estudyante ang madalas na pagulan at ang minsa'y pagtama ng bagyo.
00:23Kaya naman di maiwasang mga amba ni G.W.L. kapag madalas magsuspin din ang klase ang mga eskwelahan.
00:28Ha, nababawasan po kasi yung pagkatuto nila sa loob ng klase.
00:32Kaya para matiyak na tuloy-tuloy ang pagkatuto ng mga bata tuwing masama ang panahon at may bagyo,
00:37magpapatupad na ang Department of Education ng Standard Policy sa Alternative Learning.
00:42Sa ika-39 na Executive Committee meeting ng kagawaran,
00:45tinalakay ang pagpapatibay ng Learning Continuity Plan na magsisilbing gabay sa mga paaralan tuwing may Typhoon Signal No. 2.
00:52Ayon kay Education Secretary Sonny Angara,
00:55agad na ililipat sa Alternative Learning ang mga estudyante mula sa kanilang mga bahay,
00:59oras na i-anunsyo ang Signal No. 2.
01:02Tugonan niya ito sa rekomendasyon ng EDCOM 2 para mabawasan ang learning loss ng mga bata
01:06habang lumalala ang epekto ng climate change sa bansa.
01:10Binigyang diin din niya na mahalaga ang papel ng mga guro,
01:13magulang, lokal na pamahalaan at mga paaralan sa matagumpay na pagpapatupad ng bagong pulisiya.
01:18Maganda rin naman po kaysa pumabasa rin naman po yung mga bata.
01:22Gaya po pagbag yung malakas ang ulan, tawawawarin po yung mga bata.
01:25Magkakasakit naman po kung pipilitin nila po mas.
01:27That is much better kasi talagang continuous yung learning, di ba?
01:32So yun naman yung aim din natin na hindi sila parang mababakante sa bahay.
01:38Paghimok naman ni Sen. Sherwin Gatchalian sa DepEd,
01:41tiyakin na may sapat na kakayahan ng mga paaralan para maipatupad ng maayos at epektibo
01:45ang alternative learning modality.
01:48Matatandaang kamakailan ang pangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:52ang paglalagay ng mga internet connection sa ilang paaralan.
01:55Pinangunahan din niya ang paglulunsad ng National Fiber Backbone Phase 2 and 3
01:59na may habang 1,781 kilometers ng fiber optic cables
02:03sa Cagayan Valley, Calabaruzon, Bicol, Eastern Visayas at regions 10 at 11 sa Mindanao.
02:11Layon nito ang mas pinalawak na internet connectivity para sa lahat, pati na sa mga estudyante.
02:16Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bago, Pilipinas.