Sa kuha ng CCTV, isang lalaki ang makikitang biglang dumampot sa batang natutulog sa bangket, tangay ito habang may isang babae rin ang nakasaksi sa insidente.
Agad na rumesponde ang mga residente, at kinabukasan ay nasagip ang bata. Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Panoorin.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
00:04Yan daw ang naramdaman ng isang inang natutulog sa bangketa
00:07nang nawala sa tabi niya ang kanyang anak pagkagising.
00:11Nasa loob parang mismo ng damit niya natulog.
00:13Paanong nawala ang bata?
00:15Ito, kitang kita sa video.
00:19Sa kuha ng CCTV, ang isang lalaki ay nakitang nagmamasid-masid sa kalsadang yan sa Quezon City.
00:27Bigla siyang huminto at tumingin-tingin sa gilid ng bangketa.
00:31Maya-maya pa, may tangay na siyang bata.
00:34Kita rin sa CCTV ang babaeng nakapayong na nakakita sa naturang insidente.
00:39Ginisi niya mga magulang ng bata at dali-dali namang hinabol ng dalawang lalaki ang suspect.
00:46Nasagip kinabukasan ng mga polis ang bata at naaresto ang suspect na diumanoy minolestya pa ang bata.
00:53Yan ang pag-uusapan natin. Ask me, ask, Atty. Gabby.
01:03Grabe ito, Atty. Ano pong kaso ang maaaring kaharapin ng suspect sa insidente ito?
01:09Ako talagang definitely ang kasong ganito ay isang kaso ng kidnapping and serious illegal detention sa ilalim ng Article 267 of the Revised Penal Code na naamindahan ng Republic Act No. 7659
01:23na nagsasabing kung ang biktima ay namatay, na-torture, na-rape o ginawan ng kung anumang karumaldumal na mga bagay
01:30o kung ito ay isang menor de edad.
01:33Dapat ang penalty ay reclusion perpetua to death at dapat ang maximum penalty ang ipapataw.
01:40Pero dahil wala na nga tayong death penalty sa ngayon,
01:43ang penalty ay reclusion perpetua na ang pinakamahaba ay 40 taon na pagkakulong.
01:50Sa ibang mga kaso, ang dahilan naman ng baby snatching na ito ay para ibenta ang bata o pagkakitaan ito.
01:56May dagdag na kaso sa ilalim ng Republic Act 10364 or ang Anti-Trafficking In-Persons Act.
02:03Madalas natin nadidinig ang kasong ito sa mga bumibili ng bata imbis na dumaan sa tamang proseso ng pagkaampon.
02:11Marami kasi ang naghahanap na isang infant o sanggol at marami din ang masasamang loob na kumikidnap nga ng bata para ibenta ito.
02:20Sa ilalim ng Republic Act 10364 or ang Anti-Trafficking In-Persons Act,
02:25ang penalty ay kulong ng 20 taon na may fine na hanggang 2 milyong piso.
02:30At kung attempted trafficking dahil hindi natuloy, 15 years ang kulong at fine ng hanggang 5 milyong piso.
02:40So, talagang there's a place reserved in hell for people who commit crimes like these.
02:46Basta't usapin batas, bibigyan po nating linaw.
02:49Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
02:53Ask me, ask Attorney Gabby.
02:56Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
03:02Bakit?
03:03Pag-subscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
03:08I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.