00:00POSIBLING MAGPATULOY ANG PAGULAN
00:04Posibleng magpatuloy ang pagulan sa malaking bahagi ng bansa hanggang biyernes ayon po yan sa pag-asa.
00:09May binabantayan kasing bagong cloud cluster o kumpol ng mga ulap sa bahagi ng Taiwan.
00:16Posibleng maging low pressure area ayon sa pag-asa kaya patuloy na tumutok sa mga update.
00:21Ang isa pang LPA na nasa labas naman ng Philippine Area of Responsibility, hindi na inaasahang makakaapekto sa bansa.
00:30Pero patuloy ang pag-ihip ng southwest monsoon o hanging habagat na magpapaulan.
00:36Batay po sa datos ng Metro Weather, umaga pa lang bukas ay posibleng ulanin ang kanlurang bahagi ng Luzon at ilang bahagi ng Mindanao.
00:45Pag-sapit naman ng hapon, inaasahang uulanin na rin ang Bicol Region at ilang bahagi ng Quezon Province.
00:53May heavy to intense rains, particular sa Central Luzon, Mindoro, pati sa Eastern at Western Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.
01:02Posibleng ang malalakas na ulan kaya mag-iingat po sa baha o pag-uho ng lupa, lalo na sa mga lugar na ilang araw nang inuulan.
01:10Sa Metro Manila naman, hindi pa rin inaalis ang tsansa ng ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms kaya ugaliin ang pagdadala ng payo.
Comments