00:00Matinding ulan ang naranasan sa iba't ibang bahagi ng bansa nitong weekend sa ilang lugar na karoon pa ng landslide at maha.
00:07Narito ang una balita.
00:12Kasabay na malakas na ulan ang malakas na paghampas ng hangin sa Mlangco Tabato.
00:18Kaya ang pagdiriwang ng kaarawan sa isang resort sa barangay Langkong na bulabog ng masamang panahon.
00:24Ang mga kasama sa selebrasyon nagsiksikan sa gilid ng bahagi ng gusali dahil sa lakas na ulan.
00:29Kwento ng may-ari ng resort, maganda pa ang panahon noong hapon.
00:33Pero ng dumilim, lumakas na ang ulan.
00:36Wala naman daw nasaktan, pero ilang gamit ang nasira.
00:39Nagdulot naman ang baha ang malakas na ulan sa ilang bahagi ng Lanao del Norte.
00:43Sa bayan ng Sultan Naga de Mapuro, pinasok ng tubig ang ilang bahay sa barangay Bangco.
00:48Ayon sa mga opisyal ng barangay, humu pa rin kinagabihan ang baha.
00:51Humambalang naman ang mga putik at bato sa kalsadang yan sa barangay Kinanga sa Don Marcelino Davao Occidental.
00:56Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, epekto ito ng magdamag ang pagulan sa lugar.
01:02Nagsagawa na ng clearing operation sa kalsada ang mga otoridad.
01:05Bumaharin sa kalsadang yan sa barangay Basak Pardo sa Cebu City.
01:12Ang isang rider, itinulak na lang ang kanyang motorsiklo sa gitan ng baha.
01:15Sa iba pang bahagi ng lungsod, nakadadaan pa rin ang ilang sasakyan kahit binaha ang kalsada.
01:20Nagkaroon naman ng landslide sa bahagi ng National Road ng Hungduan, Ifugao.
01:24Humambalang sa kalsada ang mga bato at lupa kaya hindi madaanan ng mga motorista.
01:28Nagsagawa na ng clearing operation sa mga otoridad.
01:31Nagka-landslide din sa bahagi ng Cannon Road sa Baguio City.
01:34Pansamantala muna itong isinara habang inaalis pa ang mga nakaharang na bato.
01:38Ayon sa pag-asa ang mga pagulan sa Visayas at Mindanao nitong weekend,
01:41dulot ng localized thunderstorms.
01:43Hanging habagat na pinalakas ng Bagyong Bising,
01:46ang nagpaulan naman sa ilang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon,
01:49kabilang ang Cordillera Administrative Region.
01:51Ang Philippine Coast Guard naka-hightened alert ngayong tag-ulat.
01:54Patuloy raw sila nagpa-patrolya at nakikipag-ugnayan sa mga residenteng malapit sa mga baybayin.
01:59Ito ang unang balita, Bama Legre para sa GMA Integrated News.
02:03Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
02:07Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments